NANG matapos ang dinner nina Quen at Kath kasama ang mga kaibigan ay binigyan sila ng mga ito ng oras para makapag solo. Babalik pa kasi sa Manila si Kath at ihahatid din ito nina Sam at Enchong na sumundo dito.
Isinama ni Quen si Kath sa tabing dagat. Naupo siya sa buhangin at pinaupo nya din si Kath sa harap niya. Yakap-yakap niya ito habang nakatingin sila sa madilim na view ng dagat.
"Quen," maya-maya ay tawag nito sa attention nya.
"Hmm?" he responded.
"Ang saya ko ngayon..."
Mas hinigpitan ni Quen ang pagkayakap dito. "Same here."
Ngumiti lang si Kath habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Alam ba ng parents mo na pumunta ka dito?" he asked, kanina nya pa kasi naiisip iyon.
"Oo, sabi ko pupuntahan kita," she answered. "Alam na nila yung naging problema namin ni Dj."
"So, pag umuwi tayo, pwede ko nang sabihin sa kanila na tayo na?"
Tumingin ito sa kanya at ngumiti, sabay tumango.
His smile grew bigger. "Pagkauwi ko, dadalawin kita sa bahay, magpapaalam tayo ng formal sa parents mo," hinalikan niya sa cheeks si Kath.
She clasped her hand with his.
"Ready ka na din ba na malaman ng ibang tao yung tungkol sa tin?" muli ay tanong ni Quen.
Doon natigilan ang dalaga. At naramdaman ni Quen na hindi pa nito napag isipan iyon nang hindi ito nakasagot agad.
Quen sighed. "I'm sorry, hindi naman kita pine-pressure..."
"Hindi naman ako nape-pressure," she admitted. "Gusto ko. Gusto kong malaman ng lahat na tayo na... pero, tingin mo ba makakabuti yun sa tin? Sa projects natin, sa loveteam niyo ni Julia?"
Umiling siya. "Makakaapekto for sure, pero ayoko naman na dahil lang doon, hindi tayo pwede maging masaya."
"Ang hirap pala noh... iba yung ka-loveteam natin kahit tayo naman talaga..." hindi nakaligtas sa pandinig ni Quen ang biglang paglungkot sa boses nito.
He wanted to make her feel better. "Mas mahalaga ka sa kin kesa sa projects. Siguro ngayon, hindi madali. Pero kaya naman natin diba?"
Hinawakan ni Kath ang mukha nya. "Hindi naman importante kung official na ba na tayo, kung ia-announce natin o hindi. Basta alam ko na mahal kita, mahal mo ko and masaya tayo."
"Yeah. Basta masaya tayo."
She forced to smile again. "Thank you, Quen."
He smiled at her too. "Tara na, masyado nang late."
Magkahawak-kamay sila na naglakad pabalik sa hotel kung saan naghihintay ang mga kaibigan.
----------
INABOT ni Quen ang cellphone na nagri-ring sa bedside table. Nakatulog siya pagbalik sa bahay galing kina Kath. Nagpaalam na sila sa parents nito kinabukasan matapos itong bumisita sa Batangas. Napangiti sya nang maalala ito at ang pag uusap nila nang umagang iyon.
Ang sa amin lang, wag kayong masaydong magpapakaseryoso sa relationship niyo. I-enjoy niyo lang... mga bata pa naman kayo at magaganda ang career niyo, kaya alagaan niyo din ang isa't isa, iyon ang sabi ng mommy ni Kath.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...