Part 8

1K 25 1
                                    

Hello! For everyone's knowledge po, this story is just my second KathQuen fanfic and my very first series here sa Wattpad. Nung una, sabi ko maka hit lang ako ng 50 reads, masaya nako. As of d moment, may 218 reads na po at may bonus pang 10 votes at comments. Nakakataba ng puso! Salamat!

Eto na po ang Part 8 para sa inyo... hope you like it. VOTE or COMMENT if you do. =)))

----------

"Quen!" Kath called him.

Ayaw nang lumingon ni Quen, pero hindi nya matiis ito. Kanina nya pa iniiwasan ito mula nang dumating sila sa Showtime, hanggang sa matapos ang performance, at ngayo nga ay paalis na sya sa studio. Sumasakit na ang tenga nya dahil kanina pa nakakabit ang earphones nya, that was his escape. Ngayon tinanggal na niya ito at ayun nga, narinig nyang tinatawag siya ni Kath bago pa siya makarating ng exit.

Nilingon niya ito, pero hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sa nakasunod na dalaga.

"Quen..." anito nang makalapit.

"Bakit?" walang reaksyon na tanong niya.

Tumitig muna ito sa kanya nang di nagsasalita, nagtatanong ang mga mata. Lumingon sa ibang direksyon si Quen. He could not stand those expressive eyes. Parang maiiyak na ito.

"Bakit di mo ko kinakausap?" mababa ang boses na tanong nito.

"Kath..." he started, but he could not continue. paano ba sya magpapaliwanag? kailangan ba nya magpaliwanag in the first place?

"Wag kang magdedeny, please. Nararamdaman ko." she held Quen by the arm.

He sighed. "Wala naman akong kinakausap di ba?... Wala lang ako sa mood magsalita ngayon. Mejo... mejo masama yung pakiramdam ko." he made any excuse he could.

Automatic namang dinama ni Kath ang leeg at noo nya. "May lagnat ka ba?" concern was evident in her voice.

He softly removed her hand from him. "Wala. Masakit lang ang ulo ko."

Nakatingin pa rin sa kanya si Kath. Hindi bumibitaw ang mga mata nito sa kanya. Pero hindi na ito nagsalita.

"I have to go. Ikaw din, umuwi ka na. Ingat." Quen could not take her anymore. He wanted to hug her, say sorry to her, and tell her na ginagawa nya ang lahat nang iyon para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kaya aalis na lang sya. Iniwan nya ito na nakatayo doon.

Hindi na siya tinawag pa ni Kath.

----------

"HEY, nakikinig ka ba?" huminto sa pagsasalita si Dj nang mapansin na parang wala dito ang atensyon ni Kath.

Parang nagising naman siya sa mahabang pg-iisip. "Ha? Ah, sorry Dj. May iniisip lang kasi ako."

"Gaano naman kaimportante yan at hindi mo na ko napansin dito? Ang dami ko na kayang nasabi." halatang inis na tanong nito.

Hindi sya nakasagot agad. Ganoon nga ba ka-importante ang iniisip nya para makalimutan na magkasama nga pala sila ni Dj? Quen had been in her mind since they separated yesterday afternoon. "Sorry..." tanging nasambit ni Kath.

"May gagawin ka ba after nitong lunch natin? Kailan nga yung commercial shoot mo?"

"Wala naman. Bukas pa yung shoot. Bakit?"

"Tara, Ocean Park tayo. Parang gusto ko mag gala dun ngayon. Weekday, walang masyadong tao." excited na sabi nito.

"Dj... ano kasi... pwede bang magpahinga muna ko ngayon? I mean, tayo... mejo sunod-sunod kasi yung guesting, yung shoot." she explained. "Ikaw din, baka gusto mong lumabas muna kasama yung family mo."

Tumingin ito nang makahulugan sa kanya. That are-you-kidding-me look. "Kathryn, kailan ba naman ako napagod pag kasama ka?"

"Yun nga eh... lagi naman tayong magkasama. Baka lang may iba ka pang gustong gawin, ibang pwedeng puntahan." she suggested. all she wanted was a little space between them. for months now, halos di na sila naghihiwalay nito. and she suddenly thought it was not healthy anymore.

"Tapos ka na ba kumain? Tara na, ihahatid na kita." Dj did not answer her. At alam nyang galit na ito.

"Dj naman..." there she was again, trying to console him.

"Pagod ka na diba? Halika na, uuwi na tayo." tumayo na ito.

Walang nagawa si Kath kundi sumunod.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon