Part 7

1K 22 1
                                    

Sana nagugustuhan nyo ang flow ng series... Sa part na to, first time magkakaroon ng POV ni Kath.

Please VOTE or COMMENT PO. I appreciate it. Thank you! =)

----------

"HELLO!"

Quen was surprised to hear that voice. Of course he knew who that was. At alam niya din kung anong epekto nito sa kanya. Ipinagpatuloy nya ang pagsusuot ng sapatos para sa sayaw. Dance rehearsal nila sa araw na iyon para sa Showtime guesting kinabukasan. Ang mga kasama pa nila ay sina Julia, Ella at Paul, pero wala pa ang mga ito.

"Hi Kath!" bati ng lisa sa mga choreographer sa bagong dating na batang aktress. "Ano, ready na?"

"Yes! Sayaw na sayaw na nga ako eh." tumawa pa si Kath. Lumapit ito sa designated area ng mga gamit nila, at saka lang nito napansin na nandoon na pala si Quen.

"Hello, Quen." bati nito habang inaayos ang gym bag sa kalapit na upuan ng binata.Ngumiti pa ito.

Nag angat naman ng tingin si Quen. "Hi." matipid nyang sagot sabay tipid din na ngiti. Hindi pa rin naaalis sa isip nya ang pinag usapan nila nang nakaraang gabi. 

"Uhm, aga mo ah."  she initiated another conversation. "Nagbreakfast ka na? Gusto mo ng sandwich?"  she even offered what she bought at Starbucks bago pumunta doon.

Quen reached out for his bag to get his iPod. "I'm done, thanks." isinaksak na nya ang earphones at kunwari ay nakinig na lang ng music na sasayawin nila para hindi na sya kausapin ni Kath. Nakita nya namang nanahimik lang din ito sa isang tabi at gumamit na lang ng iPhone.

"Surprise!" malakas na bungad sa pinto na isang boses lalaki.

Quen knew that voicetoo.

"Dj?" ani Kath. Pumasok si Dj kasunod sina Julia, Ella at Paul. "Uy, sis." pansin naman nito kay Julia na kumaway sa kanya from the other side of the room.

"Yeap. Paistorbo lang saglit, na-miss kita eh." straightforward na sabi ni Dj hanggang makalapit kay Kath at naupo sa tabi nito.

"A-anong oras ka pa nakabalik?" tanong ni Kath. "Bakit pala kayo magkasama?"

Tumingin ito sa relo. "Mga isang oras siguro. Dumerecho ako dito kasi di mo ko masundo eh. Sila nakita ko lang sa labas." paliwanag nito.

Tahimik na nasa isang tabi lang si Quen. Nakikita nya ang mga ito sa peripheral view nya pero hindi sya tumitingin ng derecho. Kunwari ay malakas pa rin ang sounds nya at busy sa pagkalikot sa phone nya. Nagtweet na lang sya pampatay oras. Little did he knew, sumusulyap din si Kath sa kanya mula sa kinauupuan nito.

"Huy Enrique!" biglang may pumitik sa harap ng mata ni Quen. Nag angat sya ng tingin at nakita si Julia.

"Uy, anjan ka na pala." kunwari nagulat. Tinanggal nya ang earphones nang tumabi si Julia sa kanya, nagsusuot din ng sapatos. "What's up?"

Tumitig ng makahulugan sa kanya si Julia. Mga ilang segundo. Nagtatanong naman ang tingin ni Quen dito, parang sinasabi na "Huh?"

 "What's up with you?" bulong nito na naka you-tell-me-the-truth na ngiti. Sabay nguso kina Kath at Dj ng pasimple.

"Ewan ko sayo." nagsaksak na ulit ng earphones si Quen, kunwari ay hindi naintindihan ang kausap. Palihim syang sumulyap sa direction nina Kath... and he was surprised to see that she was looking at his direction too, habang si Dj ay nagtetext. Naunang nagbawi ng tingin si Kath.

"Come on, come on, let's start with warm-up."  sabi ng choreographer.

Tumayo na silang lahat at nag stretching muna. Nakita ni Quen na nagpaalam na si Dj kay Kath. Tumingin ang paalis na binata sa kanila ni Julia at kumaway din.

"Bye, Dj!" ani Julia, while Quen just nodded.

Nagsimula at natapos ang rehearsal na hindi nag usap sina Quen at Kath. Kahit during the break ay magkalayo sila. Si Julia naman ang ka-chikahan ni Kath all the time habang si Quen ay seryosong inaaral ang steps.

Nang uwian na...

"Q-quen, di ka pa ba aalis?" tanong ni Kath habang nakaharap pa ang binata sa salamin.

Tumingin siya dito pero sa salamin lang din. "Mamaya na, may hindi yata ako nakuha na steps."

"Sige... mauna na kami. Bye." paalam ni Kath.

"Bye." yun lang at bumalik na sa ensayo si Quen.

 ----------

"PARANG hindi naman ako makapaniwala na may hindi nakuha na steps si Quen. Eh sya nga yung pinaka magaling sa atin." sabi ni Kath kay Julia habang kausap ito sa telepono. On the way na sya pauwi habang ang kaibigan naman ay papunta pa sa taping.

"Sis, malay mo naman nga may nakakalimutan. Or nalilito." pag re-reason out ni Julia. "Baka madaming iniisip."

"Kasi sis, feeling ko, iniiwasan nya ko. Nakita mo ba sya kanina. Laging malayo. Hindi ako kinakausap... ikaw lang." she even let out a sigh.

"Bakit ka naman nya iiwasan?" tanong ng nasa kabilang linya.

Kath thought first kung sasabihin dito ang nangyari sa garden nila nang nakaraang gabi. But she decided not to. "M-malay ko."

"Naku ha, baka naman imagination mo lang yan. Wala lang sa mood yun si Quen. Aayos din yan. Let's see next time na magkita kayo." paliwanag ni Julia.

"Sige." nagpaalam na siya kay Julia. She was really bothered kaya tumawag pa siya dito dahil hindi sila makapag kwentuhan at may next assignment pa ito.

Pagbaba ng phone ay nagkaroon na naman ng panahon na mag isip-isip si Kath. She was not used to seeing Quen like that. Energetic ito, makulit, pasaway... noon. Pero ngayon, mas madalas na tahimik ito. Pero nag aalangan syang i-bring up ang observation sa binata. Baka sya lang kasi ang nag iisip ng ganoon pero hindi naman talaga.

Quen, please, wag ka namang ganyan, she just thought. Nami-miss ko na yung dating ikaw.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon