"BAKIT mo ginawa yun?" tanong ni Quen kay Julia. Mabagal silang naglalakad papunta sa car ng aktress. "That was out of nowhere." Natawa pa sya nang kaunti.
"I don't know. Ang bilis nung mga nangyari eh. Parang feeling ko, kailangan ko gawin yun. Hindi ko din alam." Paliwanag nito. "Galit ka ba?" she checked.
"No. Pero nagulat, yes." Tumingin si Quen sa katabi. "Hindi ka ba natatakot na ma-chismis o ma-issue tayo?"
"Hmm, naisip ko yun after." she honestly answered. "Pero nung moment na un, I just wanted to help a friend. Kaya di na ko nag isip."
"Help? You mean me?" Quen clarified.
"Oo. Alam ko, kahit di mo ipahalata, nagselos ka kay Dj. Or na-offend ka sa ginawa nya, or whatever. Kaya bumawi lang ako. Para di ka naman magmukhang..."
"Tanga?"
"Hindi noh. Para di ka magmukhang kawawa. Para fair. Di ba?" Julia smiled.
Quen sighed. "Ikaw bahala. Pero thanks. Thanks sa concern."
Nakarating na sila sa sasakyan ni Julia. Bago sumakay ito, tinapik siya sa balikat. "Isa lang masasabi ko Quen: hindi ako naniniwalang wala ka nang gusto sa sis ko. At naniniwala akong hindi nyo dapat sinasayang yung dapat na magandang relationship nyo. Kahit friendship lang yan. You deserve to be happy too."
Ngumiti si Quen, yung malungkot na ngiti. Pero hindi na sya sumagot.
"Congrats ulit sa panalo, Mr. Best Player. Ingat ka pauwi." Yun lang at sumakay na ito.
Naiwan lang si Quen na nakatayo doon at nag iisip. Ilang saglit pa ay bumalik na din sya sa sariling sasakyan.
----------
"KATH." Tawag ni Dj sa attention nya. Nandoon siya sa labas ng Ultra habang hinihintay ang sundo niya. Hindi nya pinansin ito.
"Kath, sumabay ka na sakin ulit. Tawagan mo na yung driver nyo na wag ka nang sunduin." sabi nito nang hindi sya sumagot.
She just crossed her arms in her chest bago harapin ito. "Nagpasundo na ko. Kung uuwi ka na, mauna ka na. Okay lang ako dito." pigil ang inis na sabi ni Kath.
"Teka, may problema ba tayo?" Dj inquired. "Kanina mo pa ko hindi kinakausap. Ni hindi mo ko na-congratulate sa panalo ng team ko. Bigla ka na lang nawala dun sa kinauupuan mo."
"Dj, pwede ba. Wag mo muna ko kausapin? Please?" she requested, pilit pa ring pinababa ang boses para hindi sila makakuha ng attention.
"So galit ka nga." he concluded.
"Oo, naiinis ako sayo." finally she admitted. "Pero wag na natin pag usapan dito, pwede ba?"
"Dahil ba sa ginawa ko kanina? Sa kiss? Bakit si Julia, hindi naman nagalit si Quen sa kanya. Eh sa totoo lang, mas close pa tayo sa kanila -"
"Stop it!" Lalong uminit ang ulo ni Kath nang ipaalala nito ang nangyari. Sakto namang natanaw na nya ang padating na kotse. "Nandyan na sundo ko. Aalis na ko." Bago pa sumagot si Dj ay iniwan nya na ito at dere-derechong sumakay sa humintong kotse.
Nang nasa loob na siya ay hindi pa rin humuhupa an inis nya. Sumusobra na talaga si Dj. Hindi na ko natutuwa dito. Lord, ano bang gagawin ko...
Nasa ganoon syang pag-iisip on the way home. Rush hour pa kaya lalong tumagal ang byahe nila. Maya-maya ay narinig nya ang cellphone na tumutunog. Nang magregister sa screen na si Dj iyon ay hindi nya sinagot. Huminto ang apparatus sa pag ring. After a couple of minutes ay nag-ring ulit ito. Papatayin na sana nya ang phone nang makita ang nagregister sa screen...
Dasho Quen calling...
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kath.
----------
YUN O. May isang pogi na hindi nakatiis. <3
Thanks in advance sa VOTES and COMMENTS. Sobrang tuwa ko everytime na nakikita kong may mga nagbabasa ng kwentong to. i love you all! ONE LOVE! =)))
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...