ONE YEAR LATER...
It was Kath's 18th birthday. Nasa isang mansion sila sa Tagaytay, ang ni-rent ng parents niya para sa party.
Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang program. Lumabas na siya mula sa kwarto at inaalalayan siya ng dalawang pinsan niyang babae. Tumayo siya sa isang nakatagong sulok malapit sa hagdan pababa. Doon siya maglalakad mamaya, pero sa ngayon ay gusto nya munang matanaw ang mga tao sa hall sa ibaba kung saan gaganapin ang party.
Una niyang natanaw si Dj. Naka tuxedo ito pero naka eye glasses pa rin, nakatayo malapit sa band na tutugtog. Nakikipag usap sa mga band members.
Iginala niya pa ang paningin. Nakita niya si Quen at kausap nito si Julia malapit sa mobile bar. Napangiti siya, at naramdaman niyang nangilid nanaman ang luha niya.
Humingi siya ng tissue sa pinsan para punasan ang luha bago pa mabura ang make-up niya.
Nang marinig niya ang announcement ng host, naghanda na siya.
This is it, she thought.
"Guest, friends, family members, may i have your attention please? In a few moments, we will start with the program so may we request everyone to be at the center of this hall as we welcome the debutant, the star of this night," Sam smiled as he talked to the crowd. Ito ang kinuhang host ni Kath, bilang kaibigan naman nya ito matagal na.
Nagsimula na ang pagtugtog ng live band ng instrumental version ng "Just the Way You Are" ni Bruno Mars.
Ang mga tao ay nag ipon-ipon sa gitna ng hall, nakaharap sa stairs. Lahat ay nag aabang na sa pagbaba nya.
Kath breathed deeply. Then she flashed her beautiful smile. Hinihintay siya ng mga magulang, mga kaibigan, at higit sa lahat, ng lalaking nagmamahal sa kanya.
She went nearer the stairs. Nagsalita muli si Sam.
"Ladies and gentlemen, it is with great honor for me to present to you, the debutant, Miss Kathryn Chandria Bernardo!"
Isang masigabong palakpakan ang natanaw niya sa baba. Bago siya tuluyang maglakad, tiningnan nya muna ang mga taong nasa dulo ng hagdan na iyon, naghihintay sa kanya... syempre, ang mga mahal nya sa buhay.
Nandoon ang younger brother nya, ang mama nya na mukhang naluluha na, at ang papa nya na taas-noo at mukhang proud na proud na debut na ng baby girl nito.
Katabi ng mga ito ang escort nya sa gabing iyon... he looked more stunning dahil sa suot nitong tuxedo na d-in-esign din ng nagdesign sa gown nya. He stood straight habang ang dalawang kamay ay magkahawak sa unahan. He was also looking straight to her as she was looking straight to him.
Nagsimula na siyang bumaba ng hagdan. And with her every step, naalala niya isa-isa ang mahahalagang pinagdaanan nila ng lalaking hindi sumuko sa kanya... kahit noong mga panahon na muntik nang mawala ang friendship nila, noong mga panahon na kinailangan nilang maghiwalay sandali, at noong mga panahon na parang lahat ng tao - colleagues and fans - ay tutol sa kanila.
Bumalik ang isip niya sa kasalukuyan. Enough of sadness dahil masaya na siya ngayon. Masaya na sila. And indeed, they have proven na sila ang para sa isa't-isa, kahit ano pa ang sabihin ng iba.
Nakarating na siya sa dulo ng hagdan. Her brother and mom kissed her cheeks bago humarap silang lahat para sa family picture. Pagkatapos ay bumalik na ang mga ito sa deisgnated table para sa pamilya. Naiwan doon ang daddy nya at inalalayan syang makababa papunta sa bakanteng gitna ng hall: doon sila magsasayaw. Bago tuluyang makababa ay tiningnan niya ang pinakamamahal na escort at nginitian ito.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...