Part 15

1K 28 26
                                    

FROM: Princess Kath

"Thank you, Quen. Sobrang napasaya mo ko. Wala akong ibang masabi... ang saya-saya ko lang. Because of you. Salamat. :)" 

Hindi nagsasawa si Quen na basahin nang paulit-ulit ang text message na yon ni Kath. He received that message as soon as he got back sa shooting. At umaga na, nakatulog at nagising na siya sa bahay, ito pa rin ang laman ng isip nya.

Tanghali na kaya bumangon na din siya para magfreshen up. Maya-maya ay dumating na sina Sam at Neil para sa NBA 2K13 session nila.

"Kamusta ang surprise , bro?" usisa ni Sam habang break sila sa paglalaro. Bumaba si Neil para kumuha ng drinks.

Muli nyang naalala si Kath... kung paano ito ngumiti, naiyak at nagpaalam sa kanya nang nakaraang gabi. "Masaya." maikling sagot nya habang nakangiti.

"Sinong masaya? Ikaw o sya?" tanong pa ulit nito. Alam ni Quen na natutuwa din ang bestfriend para sa kanya. Sinabi nya dito ang plano bago ginawa iyon.

"Happy siya. Pero mas hapy ako. Pwede na ba yon?" sagot niya nang ibato ang lata ng Pringles dito.

Sinalo iyon si Sam. "Good, good."

Inabot na sila nang gabi kaya naman doon na din nagdinner ang mga kabarkada. Pagkatapos kumain ay nagsiuwi na din ang mga ito. Sya naman ay bumalik sa kwarto. He switched on the tv para makapanood. He tuned in to the local news at nanood habang inaayos niya ang mga naiwang kalat.

His attention was caught by the news though nang dumating na sa segment na Star Patrol.

"Daniel Padilla, pinaulanan ng sorpresa si Kathryn Bernardo sa birthday nito ngayong araw," sabi sa headline.

"Kahit birthday ng batang aktress ay pinili nitong ituloy pa rin ang naka schedule na voice over session para sa upcoming movie nila ng ka-loveteam na si Daniel. Pero nasorpresa si Kathryn nang datnan niya sa studio ang bonggang boquet ng flowers, life-sized blue teddy bear at brand new iPad mini. Hindi lang iyon, hinarana pa siya ng binata habang papasok siya sa room kung saan gaganapin ang recording."

"Nagulat ako kasi pagpasok ko, may kumakanta tapos boses ni Dj. Tapos ayun na, nakita ko siya, katabi nya yung mga regalo nya." kwento ni Kath sa interview.

Ininterview din si Dj. "Pinaghandaan ko talaga to. Kinasabwat ko tong studio para ma-surprise sya." proud a proud ito.

"Bakit iPad mini yung napili mong ibigay sa kanya?" tanong pa ng reporter kay Dj.

"Kasi may iPad 3 na siya so ito na lang para bago, mas maliit, mas madadala nya kahit saan," paliwanag nito.

Pinakita pa ang actual footage ng panghaharana ni Dj.

Parang biglang-bigla ay bumagsak ang energy ni Quen sa napanood. Alam nyang napasaya nya si Kath, pero may isang tao talaga na kayang mas pasayahin ito... syempre, ang taong mahal nito.

He did not want to be at it again, pero hindi nya maiwasang ma-down nanaman. Binalikan nya ang message ni Kath.

Ginagawa ko naman lahat para sayo... pero parang kulang pa rin lagi. Gusto ko lang naman pasayahin ka, pero ako naman yung nasasaktan, kinausap nya ang cell phone na parang kaharap nya ag dalaga.

Nahiga siya sa kama. Hanggang kailan ba nya kayang mahalin si Kath nang hindi nito alam?

----------

NAKAUWI na sa bahay si Kath galing sa voice over recording. Inilabas nya ang regalo ni Dj sa kanya. It was unexpected yet she knew he could do it. Alam nyang capable ito na sorpresahin sya dahil lagi naman nitong ginagawa iyon.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon