Part 18

942 24 10
                                    

"TINAWAGAN ko si Kath kanina, ang sabi nya, okay naman daw sya. Pero sila ni Dj, medyo hindi okay," balita ni Julia kay Quen. Nasa backstage sila sa ASAP at katatapos lang ng birthday prod ng binata.

He was just sitting silently sa isang couch doon katabi ni Julia. Hindi siya nagtanong pero kusang nagbalita ito.

"Hindi pa ba kayo nag uusap?" tanong nito nang hindi magsalita siya magsalita.

Umiling siya.

"Tinext mo ba sya?" she asked still.

Umiling ulit sya.

"Gusto mo ba syang kausapin?" she probed further. Wala kasi pareho sina Kath at Dj sa ASAP.

Quen sighed. "Gusto ko syang makita. Kahit makita lang," sagot nya.

Hinawakan naman ni Julia ang kamay nya, as a sign na sinusuportahan siya nito.

Wala nang ibang maisip si Quen... he wanted to see Kath. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng show ay dumerecho siya sa bahay nito.

Bahala na, he thought.

----------

"TITA MIN, good afternoon." bati niya sa mommy ni Kath na nagbukas ng gate sa kanya.

"O, Quen, good afternoon din. May lakad ba kayo ni Kath?" tanong nito. Bihis na bihis pa kasi sya dahil galing nga sa ASAP.

"Wala naman po." Pumasok siya nang lawakan ng ginang ang bukas ng gate. "Pero andyan po ba sya? May ginagawa po ba?"

 Naglakad sila papunta sa pinto. "Hindi ko alam kung busy, kasi kanina pa nasa kwarto. Maupo ka muna, tatawagin ko." iniwan muna siya nito sa may salas. Naupo siya sa sofa habang naghihintay.

Hindi naman nagtagal ay bumaba na ito kasunod si Kath.

Pagkakita pa lang nya sa dalaga ay parang may pumiga na sa puso niya. She looked really sad. Nakayuko lang ito habang naglalakad palapit sa kanya.

"Gusto nyo bang ipaghanda ko kayo ng meryenda?" pahabol na tanong ni Tita Min bago naglakad papunta sa kitchen.

Si Quen na ang sumagot. "Hindi na po, Tita. Katatapos ko lang maglunch. Thank you po," at muli niyang binalik ang tingin kay Kath. Tumayo siya at nakatayo na din ito sa harap nya.

"Sa garden na lang tayo mag usap," sabi nito na hindi tumitingin sa kanya. Nauna na din itong lumabas at pumunta sa swing sa may garden.

Sumunod si Quen dito at naupo sya sa harap ni Kath nang maupo din ito doon.

"Kath, anong problema?" he started. Pigil niya ang sarili na yakapin ito. Gusto nyang sabihin na kahit ano pa ang pinagdadaanan nito ay nandoon lang sya... pero hinayaan nya munang magsalita ito.

"S-si Dj... Nasaktan ko nanaman sya," sagot ni Kath, pero hindi nakatingin sa kanya.

"Kasalanan ko. Kung hindi kita niyakap, hindi nya makikita yon," he took the blame. Nang nakaraang araw nya pa iniisip iyon. And it never felt good.

Napapikit si Kath bago tumingin sa kanya. "Hindi mo kasalanan. Wala sa 'ting may gusto na makasakit ng ibang tao."

"Pero nag away kayo. And don't tell me na hindi malaking problema yon dahil nakikita ko yang mga mata mo. Namumugto na," concern was in his voice.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon