Part 5

1.1K 26 6
                                    

ATE ANA calling...

Kinuha ni Quen ang phone na nakapatong sa bedside table nya. Kakatapos lang nya magshower pagkagaling sa magdamag na taping.

"Yes, ate Ana?"

"Quen," sagot ng nasa kabilang linya,ang road manager nya. "Nai-set na namin ng KathQuen ang dinner mamaya. Free ka naman diba?"

"Ah, oo nga po pala. Sige. Saan?" sagot ni Quen habang nagpipili ng damit sa walk-in closet.

"Magkita-kita na lang tayo sa Pancake House, sa Eastwood. Pina reserve ko na yung 2nd foor. 7PM ha?" pag inform nito.

 "Okay, i'll be there. Ah... si Kath, nasabihan mo na?"

"Hindi pa. Inuna na kita. Tapos siya naman."

"Ako na ate, tatawagan ko na lang si Kath. Thank you."

"Okay, bye. See you later."

"See you." at nagpaalam na din ito kay Quen.

Pagkababa ng phone ay tumawag na agad siya kay Kath.

Ringing...

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Hi Kath." si Quen.

"Quen, o bakit napatawag ka?" masiglang bati ng dalaga.

"Busy ka ba ngayon?" panimula nya.

"Hm, hindi naman. Andito kami sa birthday ng pinsan ko sa Antipolo. Bakit?"

"Ah ganun ba? Kasi nag-set ang KathQuens ng dinner with ate Ana. Tonight. Kung pwede ka lang naman..." pag aalangan ni Quen.

"Sure! Sige. Malapit na din naman kami umuwi. Pupunta na lang ako. Saan ba?"

"Sa Eastwood. If you want, i can just pick you up. Okay lang ba?" Sige lang Quen, try.

Natigilan saglit si Kath bago sumagot. "Ah... sige. Sa bahay na lang?"

"Yeah. Mga 6PM nandun na ko. 7 yung dinner." YEEES!!! ang laki ng ngiti ni Quen.

"Sige. I'll see you na lang."

"Okay, bye. Ingat."

"Bye. Ingat ka din." paalam ni Kath.

----------

PAGDATING pa lang nina Kath at Quen sa Pancake House ay sinalubong na agad sila ng mga flash ng camera.

"Hi Kath!"

"Hi Quen!"

Sabay-sabay na greetings ng mga fans. Halatang masayang-masaya ang mga ito namakita ulit ang favorite loveteam. Halos 20 din ang nakapunta na bumuo sa group. May dala pang regalo ag mga ito.

"Hello!" kumaway naman si Kath sa mga ito habang nakahawak pa rin si Quen sa likod nya mula sa pag akyat sa hagdan. "Hi mga ate! Na-miss ko kayo!"

Humiwalay muna si Quen kay Kath at hinayaang magyakap ito at ang mga fans. Lumapit din siya sa iba pa para bumati din.

"Kamusta kamusta? Ayos ba tayo jan?" cool na cool na lumapit at um-appear siya sa mga KathQuenatics.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon