Part 10

997 22 5
                                    

KAPAMILYA Sportsfest 2013.

Nag gather ang stars ng ABS-CBN sa Ultra para sa annual sportsfest ng network.

Magkasama sina Kath at Dj na dumating sa venue dahil sinundo siya ng binata. Pagdating nila doon ay pumunta na si Dj sa unang event nito, ang basketball.

Si Kath naman ay naupo muna kasama sina Kiray, Miles at iba pang mga kaibigan na nasa gymnasium na din.

"Hi Kath! Kamusta?" Si Kiray.

"Ayos naman. Kayo?" Masiglang sagot nya sa mga ito.

"Okay lang din." Nagkwentuhan pa sila hanggang dumating si Julia at ang road manager nito.

Nagbeso naman ang mga girls.

"Alam nyo ba kung anong team si Quen?" Tanong agad ni Julia sa mga kaibigan. "Nakalimutan ko kasi. Kaya nag white shirt na lang ako."

Natigilan naman si Kath nang marinig ang pangalan ni Quen. It had been almost 2 weeks na hindi sila nagkikita. Nang nakaraang Sunday, nasa ASAP siya pero wala ito dahil sa shooting.

"Ganun? Por que loveteam kailangan kakulay ng damit mo ang team nya?" Natatawang sabi ni Miles.

"No, naka promise kasi ako na manonood. Sabi nya cheer ko sya. Kaya ayun." ani Julia at naupo na katabi ang mga iba pa.

"Ahh.." Miles nodded. "I think sa red team sya."

"Okay! Buti may red scarf ako. Haha." inilabas nito ang scarf na nasa bag at sinabit sa balikat. "O Kath, bakit naka red ka din?" pansin nito.

Tipid syang ngumiti. "Red team din si Dj."

"Wow, teammates sila ni Quen!" Excited na sabi ni Julia. "Pareho tayo ng team na ichi-cheer."

Sumingit naman si Kiray. "Sa blue ako. Andun si papa Joseph Marco!"

Kinurot naman ito ni Miles. "Landiday! May bago ka nanamang crush."

Nagkatawanan sila. Si Kath ay kasali din sa usapan pero di nya pa rin maalis sa isip na nandun si Julia at ichi-cheer nito si Quen... Si Quen na noon ay laging siyang iniimbita para mag-cheer pag nag-uunwind ito at nagbabasketball. Si Quen na ngayon ay hindi na sya kinakausap.

Bakit ganito... Bakit parang... nagseselos ako? she sighed in almost disbelief.

----------

Maya-maya pa ay magsisimula na ang basketball game. Magkatabi na sina Kath at Julia sa courtside seats. Nandoon din ang ibang artista, mga direktor at boss ng network.

Nang lumabas na ang Red Team, nakita ni Kath agad si Dj. Pero wala pa si Quen.

Nasan yun... Hinintay nya ito hanggang sa makitang palabas ito galing dugout kasabay ang dalawa pa sa teammates nito. Parang bumilis ang tibok ng puso nya nang makitang napalingon ito sa direksyon nila.

Nakita nya din nang lumapit si Quen kay Dj habang nagwa-warm up ang mga ito. Nag-apir ang dalawa at nag usap sandali. Mukhang nagkakamustahan. At nagulat na lang sya nang sabay na lumingon sa place nila ang dalawa, at naglakad papalapit.

Lalapit nga sila. Nakapako sa kanya ang tingin ni Dj... Samantalang ang mata naman niya ay nakatutok kay Quen na nasa likod nito.

Lumapit si Dj sa kinauupuan nya at ngumiti sa kanya. Nilingon din nito si Julia. "Hi Julia!"

Tumingala dito si Julia na kanina pang busy sa pagti-twitter party. "Hello!" Nang makita din nito si Quen, "Hi Quen!"

"Hi." Balik-bati nito. "Grabe, scarf lang ang red. Sabi ko dapat red na cheerleader outfit." Biro ni Quen, nakatingin lang sa ka-loveteam.

Napatingin na din si Kath sa magkausap. Pinalo pa ng scarf ni Julia si Quen. Parang gusto nyang sabihin: Excuse me, nandito kami... nandito ako.

"Kath." Tinapik sya ni Dj sa braso.

Nilingon nya ito. "Ha?" inattentive na tanong nya.

"Malapit na mag-start yung game. Lucky charm naman jan o," ani Dj.

"Ha? Anong lucky charm? Galingan mo na lang." alanganing ngiti ni Kath dito.

"Sige na, isa lang." Nanghahaba ang nguso ni Dj. Nao-awkward-an na si Kath dahil dito. Lumingon ulit siya sa tabi at nakita nyang nakatingin na din sina Quen at Julia sa kanila.

And much to her surprise, Dj gave her a quick kiss on the cheeks.

----------

QUEN met Kath's eyes. Pagkatapos itong halikan ni Dj ay gulat na gulat si Kath na tumingin dito at nagtatanong ang mga mata bakit nito nagawa iyon. Nang ngumiti lang si Dj at nahalata ng dalaga na wala syang makukuhang sagot or apology mula dito, lumipat ang mata ni Kath kay Quen... And he was staring at her too.

Nagulat din si Quen sa mga nangyari. Gusto nyang itulak si Dj, itanong bakit nito nagawa iyon kay Kath at bakit kailangang sa presence nya pa. But a part of him said na wala syang karapatang sumbatan ito. Sino ba sya para pigilan ang mga ito sa gusto nilang gawin? Baka nga sanay na si Dj na i-kiss si Kath, at hindi nya lang alam dahil sino nga ba naman sya diba? Isang hamak na ka-trabaho lamang.

Inalis ni Quen ang tingin sa magka-loveteam at tumingin kay Julia. "Babalik na kami sa warm-up, malapit nang magsimula ang game. See you later na lang." Maglalakad na sana palayo si Quen nang hawakan sya ni Julia sa isang kamay.

Tumingin si Quen dito pero bago pa sya makapag salita ay isang quick kiss din ang binigay ni Julia sa pisngi niya. "Yan, para fair. Good luck sa game!" Nakangiting sabi nito.

Hindi agad nakakilos si Quen at parang automatic na lumipat ang mata niya kay Kath. Nakita nito ang lahat at nagyuko ito ng ulo nang makitang lumingon sya.

"T-thanks. Sige." Umalis na si Quen doon. He still needed to focus sa game, for Pete's sake!

----------

Now playing: Jealous by Nina

HIHIHI. <3

VOTE and COMMENT po! Thank u!

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon