Part 16

924 24 10
                                    

SPEECHLESS naman si Kath matapos ang sinabi ni Quen... na nami-miss din siya nito. Miss na miss, actually.

"Uhm..." she subconciously said.

"Uhm..." ginaya siya ni Quen.

"Ah..." she smiled really big.

"Ah..." ginaya ulit sya nito.

Natawa na siya nang tuluyan. Tawa ng isang taong masaya.

"O sige na, matulog ka na. Ie-end ko na 'tong call." sabi ni Quen sa kanya.

"Sige... good night." nagpaalam na din siya.

"Good night. See you soon."

"Okay."

Nang matapos ang tawag ay nayakap niya ang cellphone at napahiga.

Why do i feel this way... Hindi ko napigilan yung sarili ko na sabihing miss ko na sya. Nakakahiya! Pero... nami-miss ko na kasi talaga sya. Yung dati naming closeness. Nung kaming dalawa pa lang... Nung wala pa si... Ayaw niya nang isipin iyon.

Ang mahalaga, nami-miss nya din ako... lalong lumawak ang ngiti nya bago nakatulog.

----------

FOR THREE DAYS, hindi nanaman sila nagkita at nagkausap ni Kath. Puspusan si Quen sa pagshu-shoot. One week na lang ay ipapalabas na sa tv ang teleserye nila ni Julia. Kath also wrapped up the shooting days for her movie with Dj. Finally, natapos na ang mga ito after almost a month of the making.

March 30. It was Quen's 21st birthday. Dahil sandwich din naman ang araw na iyon sa shooting days nila ay hindi na niya binalak pa na mag out-of-town o lumayo. He decided to just stay with his family, eat out and spend quality time together. Hindi siya nagtrabaho the whole day.

Pagkauwi nila sa bahay nang hapon ay muli siyang nagcheck ng phone. Wala pa rin ang text at tawag na hinihintay nya. Nagcheck sya ng Twitter. Wala ding tweet. Tinry nya din tingnan ang iMessage, Viber at Whatsapp kahit di naman nya ginagamit ang mga iyon. Wala talaga.

Hindi man lang ba ko naalala ni Kath... Nakalimutan nya ba talagang birthday ko? the thought made him even sadder.

He was at his favorite spot in their house, sa may terrace, habang nakatingin pa rin sa phone. At parang naghimala ang langit nang biglang tumunog ito!

Princess Kath calling...

"Hello Kath?" excited na sagot ni Quen. Hindi man lang naka tatlong ring ito.

"Quen..." kung gaano kasaya ag boses nya ay sya namang tamlay nito.

He was worried immediately. "O, why? Bakit ganyan ang boses mo, may sakit ka ba?" tuloy-tuloy na tanong nya.

"Wala akong sakit... may problema lang," she answered, her voice still down.

"Ano yon? And nasan ka ngayon?"

"Andito ako sa Rockwell." binanggit nito ang pangalan ng isang resto doon. "M-may... may nangyari kasi."

"Okay, i'll be there. Buti na lang malapit ka lang. May kasama ka ba?" kasama mo ba si Dj, he wanted to ask pero hindi na lang.

"W-wala na." she sounded like she was so alone and wanted to cry already.

Damn, ano bang nangyari... "Don't worry, papunta na ko. Wait for me."

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon