OKAY, ENOUGH for today Quen.
Naglakad na siya palayo sa The Fort Strip at papunta na sa malayong lugar kung saan siya pasikretong nag-park ng kotse.
Kagaya ng mga nakaraang araw, sinundan niya si Kath... Nang ibalita ni Julia na pupunta ang mga kabarkada niya sa The Fort para gumimik ay hindi na siya nagdalawang isip na sumunod. As usual, hindi siya nagpakita kay Kath dahil hindi pwede.
Kung may isang tao na dapat makaintindi kay Kath, wala nang iba kundi siya. Dahil mahal niya ito. Alam nya at nakikita na na hindi gusto ni Kath na dumistansya sila sa isa't-isa, pero kailangan nitong gawin iyon para sa ikabubuti nilang tatlo nina Dj.
Kung may isang tao na nakakaalam kung paano ang masaktan habang nakatingin sa mahal nyang masaya sa piling ng iba, sya din iyon. Diba't halos ma-depress siya sa sakit noon tuwing nakikita nyang magkasama sina Dj at Kath?
Kung may isang tao na hindi kayang harap-harapan manakit ng kapwa, lalo na ng kaibigan, siya din iyon. Dahil alam nya ang ibig sabihin ng salitang sacrifice - masaktan na sya wag lang ang mga taong importante sa kanya...
Kaya pumayag siya sa gusto ni Kath. Lumayo siya dito, for exactly 6 days already. Dahil alam nyang kung ipipilit nya ang gusto nya na makasama si Kath, magiging magulo lang ang lahat. Mas masasaktan si Dj, mas magagalit ito sa kanila. Baka may gawin pa ito na ikasisira nilang tatlo pare-pareho. At higit sa lahat, hindi sila magiging lubusan na masaya at malaya ni Kath pag nangyari iyon.
Kaya pinagbibigyan niya ito. Pero hindi siya bumibitaw. He was still watching over her, asking their friends to take care of her and loving her from afar. Alam nya sa puso niyang babalik sa dati si Kath sa tamang panahon... At sana ay bumalik din ito sa kanya.
He drove back to his place but made sure that he texted Sam first para ipaalalang ihatid nito si Kath at sabihin ditong mahal na mahal niya ang babae.
----------
SUNDAY afternoon sa ASAP.
"Quen, excited na ko na kinakabahan na... ewan," palakad-lakad si Julia sa dressing room nila. "Keep calm, keep calm," bulong pa nito sa sarili.
Natatawa na si Quen dito. Kahit gaano ka-professional si Julia sa harap ng camera ay napaka normal na tao lang nito. Kinakabahan, sumisigaw, nagkakamali. "Hey, maupo ka nga. Nakakahilo ka na," birong-totoo niya dito.
Ila-launch na kasi sa ASAP ang bago nilang teleserye na magsisimula nang i-air kinabukasan. Nandoon sila para sa prod number kung saan ipapakilala ang mga character nila.
Nanahimik naman ito sa tabi nya. Inakbayan nya ito. "Kaya natin 'to, tiwala lang." He encouraged her.
She smiled in return.
Samantala, sa kabilang dressing room...
Tahimik nanakaupo sa magkabilang dulo ng sofa sina Kath at Dj. Kung titingnan, mukha silang hindi magkakilala. Pero si Kath na din ang nagreach out dito, katulad ng lagi niyang ginagawa.
"Memorize mo na yung part mo?" she asked, as normal as possible.
Sumagot naman ito, pantay nga lang at maikli. "Kuha naman."
Kasama din kasi sila sa prod numbers. Kakanta sila upang i-promote ang movie na ipapalabas 3 days from that day.
"Dj..." tawag nya sa attention nito.
Lumingon naman ito sa kanya at tumingin kahit di nagsalita.
Umusod si Kath palapit dito pero nag iwan pa rin ng space sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...