Part 14

1K 23 8
                                    

"THANK YOU, thank you, thank you, direk! Promise, babalik ako agad! Sandali lang to." nagmamadaling pumunta sa kotse si Quen. Baka magbago pa ang isip ng direktor ay hindi pa siya paalisin.

He was still at the shooting. They started around 8AM... 12:30AM na ay nandoon pa rin sila. Nagkaroon kasi ng technical difficulties kanina kaya imbes na pack up na sila by 11PM ay hindi pa rin.

Kaya naman mabilis nyang napapayag ang staff na magbreak muna siya para sa "errand" nya. Halos magmakaawa na sya sa mga ito... at wala syang nakuhang suporta kay Julia na nasa tent at nagnanakaw ng tulog.

Dali-dali siyang sumakay sa kotse. "Kuya, dito ka muna. Sandali lang ako." habilin nya sa driver na aantok-antok na din.

"Sir, sigurado kayo? Wala pa ho kayong tulog..." halata ang pag aalala nito sa amo na magmamaneho.

"Kaya ko to. Ako pa?" he smiled to assure him. Pinaandar nya na ang kotse.

Buti na lang at sa Quezon City area din lang ang set nila... malapit lang sa bahay ni Kath. He glanced at the gifts at the passenger seat. Isang cake na ipinagawa niya sa sikat na pastry shop at pina-deliver sa set. At isang paperbag na naglalaman ng Nike shoes na matagal nang "crush" ni Kath.

Lalong lumapad ang ngiti nya. I hope she will like these... sana ma-surprise sya. 

Pagka-park sa tapat ng gate nina Kath ay bumaba na siya at lumigid sa kabilang pinto. He called her first sa cellphone bago ilabas ang mga regalo.

"Special delivery. Nandito na ang delivery boy sa gate nyo."

He smiled when he heard her laugh from the other line. Hindi ito makapaniwalang nandoon talaga siya. Nang pababa na ang dalaga ay tsaka nya binitbit ang mga regalo papunta sa gate nito.

Pagdating ni Kath ay nandoon na siya.

"Namamanhid na yung mga kamay ko." nagkunwa-kunwarian siyang masungit.

But he was surprised with her reaction. Her arms suddenly encircled around his neck. Niyakap siya ni Kath!

He could not speak. Ayaw niyang matapos ito pero... "Baka mabitawan ko yung cake. Sayang naman." sabi nya. Muntik na kasi talagang malaglag yung cake.

Bumitaw ito at natatawang nameywang sa harap niya. That was her favorite reaction kapag wala itong masabi. She's speechless? I made her speechless? Aww...

He decided to break the silence. "Happy birthday, Kath," then he smiled sweetly.

She smiled. "Thank you... pasok ka." paanyaya nito.

Pumasok naman siya at naglakad kasabay nito papunta sa bahay. Kinuha ni Kath ang box ng cake sa kanya.

"Na-surprise ka ba?" he wanted to know.

"Oo naman. Ikaw ba naman biglang dumadating ng ganitong oras noh." she admitted. "Galing ka sa bahay nyo?" she even asked.

Haaay, my princess... kung alam mo lang... "Actually... nagbreak lang ako sa shooting para idaan to. Babablik pa ko doon." he just told her the truth.

Napanganga si Kath sa sinabi niya. Huminto ito sa tapat ng pinto. "Seryoso ka?" parang hindi talaga ito makapaniwala na magagawa niya iyon.

Napakapit siya sa batok at hindi na siya sumagot. Ngumiti na lang ulit dito.

"Nakakainis ka..." Kath said.

Wow, san galing yun? nagulat siya sa reaksyon nito. Pero mas nagulat siya nang nakita niya na nangingilid na ang luha ng kaharap. "H-hey, bakit? Naiiyak ka ba?" pinunasan niya ang kaunting luha na nalaglag sa pisngi nito.

"Nakakainis ka... bakit ka ba ganyan..." sagot ni Kath, hindi siya pinigilan sa ginagawa.

"Huh? Anong nakakainis? Aanong ganyan?" nakakunot ang noo pero natatawang tanong nya.

"Ikaw... ganyan ka." malabong sagot nito sabay yuko ng ulo.

Gusto nang tumawa ni Quen. Ang weird kasi nito ma-surprise. He lifted her face with his free hand. "Ano ka ba, birthday mo eh, kaya mabait ako sayo. Sa isang araw, aawayin na kita," dinaan na lang nya ito sa biro para hindi na ito umiyak.

"O, Quen, anjan ka pala. Pasok ka muna." sumilip sa labas ang mommy ni Kath.

"Good evening, tita," bati ni Quen. "Hindi na po, hinatid ko lang 'tong gifts kay Kath. Babalik pa po ako sa shooting." magalang na paalam nya.

"Ganun ba? O sige, mag-iingat ka." bilin nito. "Kath, akina muna yan para mahatid mo sa kotse si Quen," inabot nito ang box ng cake at pumasok na ulit sa loob.

Naglakad naman sila pabalik sa kotse nya.

"Here, bago ko makalimutan. Gift ko sayo." inabot niya ang paperbag kay Kath.

Nilabas nito ang kahon sa paperbag at nang makitang iyon ang Nike shoes na gusto nito sanang bilhin for her birthday ay lalong nagliwanag ang mukha nito.

"Happy  birthday." This time, siya naman ang yumakap kay Kath.

"Thank you, Quen." Gumanti din ito ng mahigpit na yakap sa kanya kahit hawak pa ang mga sapatos.

"Your welcome, princess." At bumitaw na siya. "Pano, i have to go. Baka mapagalitan na ko."

"Sige. Ingat ka. Thank you talaga."

Sumakay na siya sa kotse pero bago nya pinaandar ay sumilip ulit siya sa bintana. "Pasok ka na."

"Hindi, pag alis mo na." she just stood outside the gate.

"Hindi, pasok ka muna." pilit nya.

"Okay, fine. Ingat ka!" pahabol nito.

"Sure. Bye."

"Bye!" At naglakad na ito pabalik. Nang maisara ni Kath ang gate ay tsaka lang nya pinaandar ang sasakyan.

----------

Happy na happy na ang birthday ni Kath. Yey. Pero... magpapatalo ba naman si Dj kay Quen?

Now playing: Oh it's sad to belong to someone else when the right one comes along... Yes it's sad to belong to someone else when the right one comes along... </3

Thanks for reading. We're almost at 1,000 reads. Wiiiih... =)))

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon