PAGKAUWI ni Kath sa bahay ay napahiga agad siya sa kama. Pakiramdam nya ay pagod na pagod sya kahit naglunch lang naman sila ni Dj. Pagod ang utak nya sa kaiisip. Si Quen, tapos dumagdag pa si Dj. Ayaw na nyang intindihin ang pagiging childish nanaman ng pangalawa, lagi naman itong ganoon. She thought, they need to talk soon to settle what was happening. Hindi pa man sila ay masyado na itong possessive at gusto na masunod ang mga nais nitong mangyari. At first, it was sweet. Dj was doing everything for her, halos di sya nito padapuan sa langaw. Pero habang tumatagal ay nagiging demanding na ito... demanding na ibalik niya ang mga gingawa nito para sa kanya, to the point na kulang na lang, pilitin siya nito na maging officially magboyfriend na sila.
Kath wanted space. She wanted a relationship na makakahinga pa sya, walang pressure, yung masaya lang sila. Parang kay Quen. Wala itong ibang ginawa noon kundi alagaan at patawanin siya. And he respected her every decision. Quen was really a gentleman.
She sighed. Quen, please, bumalik na tayo sa dati, please...
Kath wanted to rest her mind. Tumayo sya at ini-on ang tv. Pero ang unang nakita nya? Ang official trailer ng upcoming teleserye nina Julia at Quen.
Parang nang-aasar naman to... naisip nya.
Sa isang eksena, Quen was just staring at Julia. Sa galing nitong umarte, she even saw love in his eyes.
Napakunot ang noo nya. "Acting nga lang ba? Baka naman may gusto ka talaga kay Julia?" di nya napansin na nasabi nya pala ang iniisip nya. "Baka naman... may crush ka na talaga sa bestfriend ko."
Biglang may kumatok sa pinto. "Bukas po." she responded.
"Anak," ang Mommy Min nya, sumilip sa may pintuan. "7AM daw ang call time bukas, sa Studio 5. Tumawag sa kin ang handler mo, di ka daw sumasagot eh."
"Ay sorry mommy, hindi ko po narinig. Naka silent yata ang phone ko." she excused.
Tumingin ito sa paligid ng kwarto nya, then sa tv. "May kausap ka ba? Parang nagsasalita ka kasi jan kanina." nagtatakang usisa nito.
"W-wala po. May tina-try lang akong i-deliver na script." mabilis na palusot nya.
Mukhang nakumbinsi naman ito. "Okay. Dito ka lang ba? Hindi ka na lalabas?"
"Dito lang po ako."
"Sige." isinarado na nito ang pinto ng kwarto.
Hinanap nya agad ang cellphone, nasa bag pala. May 2 missed calls na sya sa. Gosh, ganito ba ko ka-engrossed sa iniisip ko at sa pinapanood ko para hindi marinig na nagri-ring ang phone? Dahil apparently, hindi pala naka silent ang ito.
----------
"BRO, ayos to ah. San mo nabili?" sabi ni Sam habang pinagmamasdan ang bago nyang dancing shoes. After one straight week of shooting para sa serye nila ni Julia ay nakapahinga din si Quen. Kaya nandoon ang bestfriend nyang si Sam. They found time to hang out kahit sa bahay lang nya.
"Online store. Ni-refer lang sakin." sagot ni Quen habang inaayos ang playlist nya sa laptop. Aksidente namang na-click nya ang "Nag-iisang Bituin" na track.
Napalingon si Sam. "Nasa laptop mo talaga yan?"
"Oo naman, bakit?"
"Pinapatugtog mo?" dagdag tanong nito.
"Hindi, na-click ko lang. Nagso-sort kasi ako ng sounds." paliwanag ni Quen.
"Nami-miss mo na noh?" tanong ulit ni Sam, nakangiti.
"Si Kath? Ayos lang..." non-commital na sagot niya, kahit deep inside, naalala nya ito. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa nya ngayon?
"Hindi si Kath. I meant, kung nami-miss mo na ang show." lalong lumawak ang ngiti ng bestfriend.
Natigilan si Quen sa pagtatype sa laptop. Oo nga noh, hindi naman pala si Kath yung tinutukoy. Tsss... halata ka din Quen eh. sabi nya sa isip. "Ah, oo naman. Nami-miss ko na yun syempre." yun na lang ang sinagot nya.
"Wusuuus." pang aasar ni Sam. Tinapik nito ang balikat nya. "Kamusta na pala kayo ni Kath?"
Bilang si Sam naman ang closest friend nya sa showbiz, alam nito ang real score sa kanila ni Kath... mali, ang real score pala ni Kath sa kanya. Dahil nothing was going on between Kath and him anyway. He sighed.
"Anong 'haaay' naman yan? Parang ang lungkot nanaman natin?" Sam asked. "The last time i saw that, nung nag-end ang P&I na hindi kayo nagkatuluyan ni Mikay. Don't tell me... walang nagawa ang 1 month vacation?" alam din nito na part ng pagbabakasyon nya ay ang pag move on kay Kath.
"Bro, alam mo naman diba? Si Kath, sobrang importante nya sa kin. Kahit ano gagawin ko basta maging masaya sya. Nakikita kong masaya sya kay Dj kaya..." he stopped and thought about what he had been doing in the previous days. "well, sa ngayon, mejo umiiwas ako sa kanila."
Parang naaawa na napatingin lang s kanya si Sam. Muling tinapik ang likod nya. "Alam ko. Ganyan naman mula nung on-going pa ang shoot nyo diba? Pero bro, for me ha, ang tagaaal mo nang nagsasacrifice. Tapos na yung show, hindi na kayo nagkakasama sa set. Bakit di mo ayusin yung sa inyo ni Kath? Kahit yung friendship lang na muntik na din mawala dahil sa pagka possessive nung isa?"
Napatawa ng pilit si Quen. "Si Kath na mismo ang nagsabi. Nagseselos si Dj. To think na wala pa kong ginagawa nun. Kaya mahirap talaga makipaglapit kay Kath, kasi ang kapalit nun, baka mag-away pa sila, lalong masaktan si Kath. Lalong maapektuhan. Sunod-sunod pa naman ang projects nila." he justified his actions. Masakit, pero iyon ang totoo.
"So tapos na? Suko ka na kay Kath? Ganun na lang ang ending ng friendship nyo?" pangongonsensya nito.
He thought again. "Hindi naman sa ganun -"
"Sus, wala palang pinagkaiba yan sa P&I eh. Panget ang ending. Pinipilit mo lang." di na sya pinatapos ng kaibigan. Tumayo na ito at muling hinarap ang mga sapatos nya sa shoe rack.
Naiwang nag iisip si Quen. Mali ba talaga ako? Mali ba tong ginagawa ko? Pero para din naman kay Kath to eh.
He did not know what to do anymore.
----------
Iniisip ni Kath si Quen. Iniisip din ni Quen si Kath.
What do u think should happen next? I think... dapat mag usap na sila ulit. =)
VOTE and COMMENT po. Salamat!!!
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...