"Martir ka din talaga, Quenito. Sasabunutan kita jan eh." nakasimangot na pinapagalitan sya ni Julia, habang si Quen nama ay nakasubsob sa table. Break sila from taping kaya nakatambay lang sila set. Naikwento ni Quen ang napag usapan nila ni Kath two nights ago, agkagaling nila sa Eastwood.
Napabangon si Quen sa pagkakayuko. "Ano bang sinasab mo jan? Sinabi ko lang to sayo para alam mo naman ang pinagdadaanan ng bestfriend mo. Para matulungan mo sya."
Umirap si Julia. "Sira, ikawa yata ang kailangan ng tulong eh. May gusto ka sa bestfriend ko -"
"Wala nga. Ikaw... ikaw lang ang nakakakita nyan." putol ni Quen sa kausap.
"Ine-echos mo ko Quen. Wag ako, dahil kilalang-kilala kita At wag kang mag alala, hindi ko sasabihin kay Kath. Hindi naman ako ganun ka-insenstive para unahan ka noh." sabi pa nito habang ngumunguya ng cornflakes na ginawa nitong chichirya.
"Wala kang masasabi kay Kath kasi wala ka namang dapat sabihin, okay?"
Nag-roll lang ng eyeballs si Julia. "Make up your mind Quen. Sige ka, babalik na ulit si Dj sa isang araw."
Tumalikod na si Quen dito. "Jan ka na nga. Magmememorize na lang ako ng script. Ikaw din."
"Si Kath o!" sigaw ni Julia.
Lumingon naman agad si Quen. "Saan?"
"Joke! Pano makakarating yun dito, eh nasa Batangas tayo? Obvious ka din eh." tawa nang tawa si Julia.
Tiningnan nito ng masama si Julia bago tumalikod ulit para maupo sa malayo dito.
Babalik na si Dj. Kailangan ko na ulit dumistansya kay Kath. Nalungkot si Quen sa naisip niyag iyon.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...