WARNING: Ang part na ito ay "Chapter ni Dj". Patawad na, kailangan din naman ito... para sa ikabubuti nina Kath at Quen.
Salamat sa KV comments sa Part 16. Binusog nyo nanaman ang pusong-KQ ko. wiiihhh. =)
VOTE at COMMENT pa rin kayo ha? Kung di talaga keri, sige, kahit READ na lang. =)
ONE LOVE! <3
----------
"KAMUSTA naman ang party mo, brad?" seryosong tanong ni Dj.
"Ayos lang," mababa ang tono na sagot na Quen habang nakatingin ng derecho dito. Alam nyang "consuelo de bobo" lang ang tanong na iyon ni Dj, dahil halatang galit ito.
"Ah... a-akala ko hindi ka makakapunta?" tanong na lang ni Kath dito.
"Akala ko rin eh. Buti pala pumunta ako. Para mabati ko naman tong si Quen." lumipat ang tingin ni Dj mula kay Kath pabalik kay Quen. "Happy birthday nga pala."
"Salamat." Ibinaba ni Quen ang mga regalo sa mesa. "Snack?" offer pa nya. "Nanjan pa sina Julia."
"Dj!" tawag ni Enchong habang papalapit. Wala itong alam sa tensyon na namamagitan doon. "Wassup?" um-apir pa ito sa bagong dating.
"Mabuti naman. I think ha," may laman na pahayag nito sabay tingin kay Kath. Nakayuko na ang babae.
Hindi na nagugustuhan ni Quen ang nakikita nya. Alam nyang nahihirapan si Kath. "Chong, pakisama muna si Kath sa table nyo ni Julia."
"Ha? O, sige." nakahalata na din si Enchong.
Nang makaalis ang mga ito ay tsaka ulit hinarap ni Quen si Dj. "Brad, may problema ba?"
"Tss..." sarcastic na tawa nito. "Ayoko namang sirain tong birthday mo. Dumaan lang naman talaga ako para sunduin si Kath. Kaya relax ka lang jan, aalis na kami." at tinalikuran na siya nito.
"Dj," tawag ni Quen. Nakinig ito pero hindi lumingon. Nakatayo lang at nakatalikod sa kanya. "Kung may iniisip kang hindi maganda dahil sa nakita mo, mali ka."
"Madali namang malaman yan eh. Sasabihin naman sa kin ni Kath yung totoo." Humarap ito sa kanya, nakabulsa ang dalawang kamay. "Wala naman siyang hindi sinasabi sa kin di ba?"
Quen looked at him intently. Sinusubukan nyang basahin ang gusto nitong palabasin. "I know you love her. Wag mo syang sasaktan," iyon na lang ang nasabi nya dito.
Dj shook his head, naka ngiti pa rin nang sarcastic sa hindi maipintang mukha ni Quen. "Alam kong importante sayo si Kath kasi magkaibigan kayo." ipinagdiinan nito ang salitang MAGKAIBIGAN. "Salamat sa paalala, brad. Alis na ko." iniwan na siya nito at pumunta sa direksyon nina Kath.
He was left worried. Tiningnan nya ulit ang magkatabing bobbleheads sa mesa.
How can we be so happy for a while then, biglang-bigla na lang, malungkot nanaman?
Maya-maya ay nakita na ni Quen si Dj na hawak sa kamay si Kath. Palabas na ang mga ito ng resto.
"Sige brad, happy birthday ulit," sabi ni Dj. Quen just nodded. Dinaanan lang sya ng mga ito. Si Kath ay nakayuko pa rin.
He could not help following them with a stare. At bago lumabas ng pinto, nilingon siya ni Kath. He swore he saw tears welling in her eyes. Gusto nyang hilahin ito palayo kay Dj... but then again, wala syang karapatan.
BINABASA MO ANG
My Reality is You (a KathQuen fanfic)
FanfictionHi! Since ang daming exposure ni Enrique Gil sa tv nung Sunday, including The Buzz guesting nila ni Kathryn Bernardo, na-inspire ako magsulat ng story/fanfic for them. This is for KathQuen lovers okay? So kung ayaw nyo sa kanila, wag na lang po magb...