Chapter 24

5 0 0
                                    

Florian

"Ano gusto mong pag-usapan natin?" tanong nito pagkarating sa isang open area.

"Tungkol sa atin Scott..."

Tikom ang bibig nito at umawang ang kaniyang mukha na parang pumapayag ito. Nagpalipat-lipat ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin.

Kunot noo nitong tumingin sa kaniyang suot na relo at inip pang tumingin sa'kin.

"If you don't have to say anything, I will leave in this place with you. May mga bisita na kailangan kong haharapin!"

Akmang aalis ito na mahawakan ko ang kaniyang kamay at sa pagkakataon ito ay nagsimula ng panunubig ng aking mga paningin.

"Kasi parang naulit nanaman ang ganitong bagay noon. Hindi ko alam kung ginagawa mo lang ang mga ito because our feelings are mutual or..."

Humugot muna ako ng lakas na loob at paghinga para maisambit ang pinakamasakit na salitang maririnig mula sa aking loob-looban. Kahit ano pang maibulalas ko ay base lang sa pag-oobserba sa mga galaw niya sa akin.

"You've waiting someone and pinagdidiskitahan mo ang mga oras ko para lang maipakitang mahal mo ko kahit hindi naman,"

Napalaki ang mata nito at mukhang tama ang teoryang naisip ko para lang gawin ang lahat maging masaya but those feelings that I received ay patagong pagsaksak nang paulit-ulit na siyang ikinadismaya ko lalo.

"Sorry Florian..." malungkot nitong pagpatawad. Hinawakan niya ang aking mga kamay, ramdam ko ang init na dumadaloy papunta sa aking mga balat.

"I'm sorry for doing things na ikinasakit nang damdamin mo. I'm doing this is because I know myself that you've loved me so much since we were in college. I'm trying my best to catch in a relationship with you pero still in the same reason. Hindi ko pa rin masuklian talaga lahat,"

Alam mo 'yung bawat titig niya, halos may ibang kahulugan doon kompara sa mga binibitawang salita. Kailangan kong hukayin pa sa mga mata niya para malaman kung totoo ito o hindi.

"Then, bakit mo pa pinagtuunan mo ako ng pansin kung hindi mo pala ako mahal? Lahat pala ng ginawa natin mula noon, isa pa lang kalokohan."

"Florian..." buntong hininga niyang sambit sa pangalan ko.

"Gusto ko lang na sumaya ka at maging memorable para sa'yo habang kasama mo ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko!"

Tumawa ako nang mapakla sa mga sagot nito. Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mata.

"Ayan lang ang reason mong pampaluwag nang loob ko?" sarkastikong tanong sa kaniya.

"Ikaw lang ang pinakawalang kuwenta sa lahat ng mga lalaking nakilala ko..."

"Dahil sa isang pitik pa lang..." sabay pinatunog ang pagpitik ko sa harapan niya.

"Mapapadali mo talagang mabihag ang taong nagkakagusto sa'yo. Lalo na ako, may halong katotohanan ang pagmamahal ko sa'yo pero hindi mo kaya talaga gawin iyong sinasabi ko dahil noon pa lang si Fiona pa rin talaga ang laman ng puso mo!"

Tahimik lang siyang nakatulala sa'kin. Walang emosyon na pinapakita, robot ata itong nasa harapan ko. Gusto ko talagang sungaban ito ng halik kaso hindi 'yan ang tamang panahon para gawin at nasa 'masakit' at 'disappointment' level pa ako ngayon.

Huminto muna sandali para punasan ang mga dumaloy na tuyong luha at ngumiti nang pagkalawa-lawak sa kaniya.

"Thank you for the all the times and memories na pinasaya mo ko. At least, na-accomplish mo ang goal na maging masaya ako pero..."

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon