Chapter 26

9 0 1
                                    

Florian

"Kumusta na Janjan?"

Hindi ko mapagilan tumawa sa narinig ko. Nakakatuwa kasi ang tinatawag sa kaibigan niya.

"May nakakatuwa ba Florian?" sungit nitong turing sa'kin.

Bigla tuloy akong naging isang maamong tupa. Tumingin muna ako sa harapan kong ang tawag ay Janjan at mukhang malapad ang ngiti nito na parang nanalo sa laban.

"Ayos naman Les..." bakas sa mata niya talaga 'yong galak. "After 4 years nakalaya na rin ako sa mga magulang ko!"

Halatang-halata talaga ang saya niya, nakataas ang mga kamay na parang nagwagi ito at naka-chin up pa. Feeling kriminal na pinawalang sala.

Marami pa kaming ginawa rito sa London. Kumain, gumala, bumili ng kung ano-ano, and vice versa. Ganito talaga siguro ginagawa ang mga tao rito lalo kapag pera ang usapan. Walang iniisip kun'di puro gastos at waldas lang ng cellphone para lang sumaya.

Nakukuha nila ang mga ganitong bagay pero kabaligtaran lahat iyon sa'kin. I know myself that I want to become happier when I looking forward here in United Kingdom, but it may become even worse.

Maraming ginastos sa Pilipinas tulad ng mga pagkain sa kila Nanay at maging monthly bills na kailangan bayaran. Pero ang mas masaklap pa sa mga iyan ay kay Tatay na mas lumala ang sakit niya sa puso.

Tumutulong na rin ang mga kuya ko pero mas lalo pang ginigipit sa iba pang mga gastusin ko rito dahil hindi rin kalakihan ang sinasahuran ko. Although, nagbibigay naman si Charles ng mga kailangan ko rito but napupunta rin sa kanila.

"Lumilipad nanaman isip mo..." napabalik ako sa wisyo at mukhang hinihintay nila ako magsalita.

"A-ano ba 'yon?" napailing na lang si Charles habang hinihigop ang isang tasang tsaa.

"Kasi nakatunganga ka diyan..." tampo nito.  "Hindi mo naman pinapakinggan mga sinasabi ko," sabay nguso.

"Mukha kang pato diyan!" ngiwi ko nito atsaka sinubo ang nakahaing sausage sa harapan.

Habang nginunguya ko ang pagkain ay sumabay ang pagkirot sa aking sentido. Ngayon lang ako nakaramdam ng katinding sakit in my entire life. Naka-inom naman ng paracetamol pero hindi pa rin mawala.

"Hindi ka naman uminom kagabi..." hindi kasi ako pala-inom once na mag-aaya si Charles mag-bar ay sinasamahan ko na lang siya at panoorin uminom.

Nilunok ko muna ang pagkain bago ako magsalita, "Kaya nga eh. Mawawala rin ito siguro," kibit balikat ko nito.

Ngayong araw kasi ang pag-alis ko pabalik ng Pilipinas. Kanina paggising ko ay hinanda at inayos ang mga damit at importanteng gamit na idadala sa pag-uwi ko. Bibili na lang ako sa Duty Free sa airport dahil habol ko naman doon ay mga tsokolate.

Inubos ko muna ang pagkain bago gumayak pabalik ng kwarto namin sa hotel dahil mag-check out na rin kami bago pumunta ng airport.

Halo-halo ang mga emosyong nararamdaman ko ngayon, ligaya at pagdangundong tibok ng puso ko. Ilang taon na rin ako makakatungtong sa lupa ng mahal ko.

"Nakahanda ba ang mga gamit mo?" muli nitong tanong.

Bago ko muna sagutin ang tanong niya ay isinara ang zipper ng maleta, "Oo naman!" sabay ngiti sa kaniya at hinawakan ito para hatakin.

Tumango ito at naunang lumabas ng kwarto, siya kasi ang haharap sa receptionist para mag-check out. Sumunod naman ako sa kaniya at hinintay lang sa reception area.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon