Florian
It's another day and first day makakasama si Scott as a owner of the restaurant. Mukhang mahihirapan ata ako dahil sa ganitong sitwasyon pero wala pa rin magagawa at susubukan lang natin na maging casual sa lahat ng bagay.
"Ma, alis na po ako! Mga babayarang bills ng kuryente't tubig atsaka sa 5-6 na pinambili sa electric fan alam niyo naman ang bumbay makulit talaga sila sa pagpapaalala, tapos yung grocery mamili na ma. H'wag niyo pong kakalimutan, ah?" walang prenong pagpaalala ko nito.
Natawa si mama. "Opo anak, mas dinaig mo pa ako sa pagpapaalala." natatawa nitong sagot ni mama sabay yakap ko sa kanya.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at tumingin ng oras sa relo. "Papasok na po ako sa trabaho ma." paalam ko nito.
"Mag-iingat ka anak!" pahabol na sigaw ni mama bago ako makalabas ng bahay.
Paglabas pa lang ng bahay ay bumungad sa'kin ang mga nanay sa isang tabi na halatang nagtsitsismisan at panigurado ang pag-uusapan nila ay ako. Kulang na lang ay maghalikan pa sila sa harapan ko.
"Mare, may nakakita sa anak nina Julianna at Marcus kagabi na may kasamang lalaki." pagbabalita ng pinakaleader na daig pa ang pagiging newscaster.
"Talaga?" kunwaring gulat ng isa.
"Oo at nakita ko pa kagabi na yung lalaki ay nakaluhod sa loob ng bahay nila. Halata pa nga na umiiyak."
"Naawa ako doon sa lalaki." kunwaring nalungkot ang naka itim na sandong babae.
Umiyak si Scott?
"Akala ko naman ang mga babae lang ang gumagawa ng ganiyan, pati rin pala ang mga bakla. Juicecolored talaga!"
"Lumalapit na nga sa kanila ang grasya, salot pa sila sa lugar natin."
Napailing na lang ako sa mga chismosang kapitbahay dahil wala silang magawa kung hindi manira ng iba.
Pumara na lang ako at agad nang sumakay papuntang Enchanteé.
-------
"Good morning Mang Karding!" pagbati ko nito na may kasamang ngiti. Agad naman ako nakatanggap ng isang saludo mula sa kanya at pumasok na sa restaurant para magtime-in.
Pagkatime-in ko ay saka naman tinungo ang locker room para magpalit ng uniform at ipapasok ang mga gamit ko doon.
Pagbukas pa lang ng pinto sa locker ko at akmang ilalagay ang bago ko sa loob ay may nakita akong familiar na paper bag.
Pagkakuha ko nito ay ang sneakers na binayaran ni Scott. Habang tinitignan ang sneakers ay may naagaw ang aking atensyon na may isang papel na nakatupi, kinuha ko iyon at mukhang sulat ito.
Pagbuklat ko nito ay may nakalagay na puso. Bakit naman niya nilagay ng puso?
Florian,
Nakalimutan ko palang ibigay sayo ito kagabi. Kung gusto mo hingin ng kapalit sa pagbayad ng sneakers, ikakaltas na lang sa sahod mo. De biro lang! Basta trabaho ka lang. *with smile emoji*
- Scott
Nang naibasa ko ang liham ay balak ko sanang ilukot at ipaton ito kaso bigla akong nakonsensya kaya nilagay ko na lang sa paper bag at tinignan ulit ang sapatos na matagal ko nang pangarap na bilhin.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...