Chapter 9

45 25 0
                                    

Florian

Flashback

Tumunog ang alarm ng cellphone ko, hudyat na kailangan ko nang gumising. Pagtingin ko sa cellphone ay alas singko na ng umaga. Pinatay ko na yung alarm at nag-uunat ang mga katawan ko para dunaloy lalo ang dugo sa katawan. Pagkatayo ko ay kinuha ko ang cellphone, tuwalya, at underware patungo sa banyo para simulan ang mga ritwals ko.

After a half hour sa pagkakababad sa banyo ay nagbihis na ako ng isang regalo na binigay sa akin ni crush noong highschool pa ako. Mukhang na akong perpekto sa suot. Nagsuklay lang ako tsaka tinungo ang kusina para tulungan si nanay maghain bago ako pumasok sa first day of school ngayo't college na ako.

Apparently, hindi talaga ako mahilig mag make-up. Magmumukha akong pokpok na bakla sa mga gay bar. Kahit sabihin nilang additional art sa mukha ang make-up pero for me not tsaka mas gusto ko lang yung simpleng ako lang. May personal preference and taste ang isang tao kaya huwag niyo na akong pakialam.

Pagkarating ko sa kusina ay mukhang kakatapos lang ni Nanay magluto.

"Anak, balitaan mo ako sa first day ng bago mong school. Kapag may nambully sayo, report mo agad sa admin para malampaso 'yung mga nambubully sayo." bilin sa akin ni Nanay. Simula noong tumungtong ako ng elementary, ayan ang bilin sa akin.

Ilang beses na din ako palipat-lipat ng eskwelahan para lang maiwasan ang pambubully sa akin ng mga tao doon dahil lang sa isang katauhan na hinding-hindi tanggap ng mga tao ngayon at iyon ay pagiging BAKLA o GAY sa mata nila. Buti na lang tanggap agad ng aking pamilya noong bata pa lang ako.

"Tama ang nanay mo!" pagsang-ayon ni Tatay na mukhang kakagising lang. Sumunod na rin sina Kuya Kyle at Kuya Victor na kakagigising lang din.

"Ito lang maipapayo ko sayo anak." panimula ni Tatay tsaka humigop ng kape. "Kung may mga tao na hindi ka tanggapin, hayaan mo sila. Hindi sila pinalaki ng mga nagpalaki sa kanila nang kagandahang asal. Mas mabuti na tapat at mabuting tao kaysa maging isang suwahil at hindi tapat sa kapwa. Mas maganda din yung may malaki kang naiambag sa pamayanan natin atsaka na silang manghusga." payo nito sa akin.

"Hindi tulad sa mga kuya mo na kahit may trabaho na pero ang hilig mambabae at gumala. Idagdag na rin natin yung nagsisimula na silang kumain pero hindi tayo hinintay." turo nito sa dalawa kong kapatid na sumusubo na sila ng pagkain.

"Ang tagal niyo kasing magsimula kumain puro payo rito payo roon!" protesta ni Kuya Kyle. Napailing na lang ako sa kanila at sinimulan ko na din kumain.

-----
"Mag-aral ka nang mabuti Florian atsaka ka na magboyfriend." payo nito sa akin ni kuya Kyle pero yung huling sinabi na boyfriend, pass ako diyan.

"Oo naman kuya, pero boyfriend mukhang malabo na magkagusto sa akin." singhal ko nito kaya nagpaalam na ako sa kanya saka bumaba na sa sasakyan ni Kuya.

Napatingin ako sa gate ng papasukin kong paaralan.

Amersia Foreign University

Marami ring mga estudyante na pumapasok dito at ang iba rito ay mga may halong lahi pero may iba rin na purong Pilipino.

Agad ko naman tinungo ang mga listahan ng mga estudyante na nakapag-enroll at kung saan din ang room na papasukin. Pagkarating ko doon ay iilan lamang ang mga estudyante na lumilinga sa mga papel, siguro ito ay listahan ng mga estudyante sa bawat course. Mukhang napaaga lang ako pumasok ngayon kasi first day. Tinignan ko ang schedule na binigay sa akin nung enrollment sa cellphone ko, pagkatapos ko tignan ay tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ko kung saang room ako papasok.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon