Chapter 23

6 0 0
                                    

Florian

It's been a week after kong hindi pumapasok na sa Enchanteé. Pabor na kay Clark ang binigay kong resignation letter pero may kapalit itong pagre-resign ko.

"Sa engagement party nila Scott at Florian, kailangan mong pumunta para magkaroon kayo ng close relationship sa isa't-isa... Don't worry, sasamahan kita!"

Alam naming dalawa ni Clark na sobrang dehado ang nararamdaman ko makita silang dalawa especially si Scott sa nauna at malapit nang magkatali.

Nabawasan man kahit konti 'yung bigat pero nandoon pa rin ang sakit. Hindi ko alam kung paano haharapin sa engagement party nila at baka mas lumala pa ito.

"Florian, try mo itong pantaas na damit..." banggit ni Charles habang hawak ang isang hanger na kulay pulang t-shirt at kulay gray na long sleeve.

Nandito kaming dalawa ngayon sa department store para mamili ng susuotin ko sa engagement party nila Scott.

"Sigurado ka bang babagay sa'kin?" alinlangan kong tanong.

Napangiwi si Charles sa'kin at padabog na ibinigay ang hawak niya, "Hays, babagay sa'yo 'yan!"

"Sige na, sige na at pumasok ka ngayon sa fitting room para masukat at tignan ang labas na anyo kapag nasuot mo!" pagpipilit nito habang tinutulak papasok ng fitting room.

Huminga muna ako nang malalim bago i-sukat ang mga damit na ibinigay ni Charles. Siya kasi ang gagastos sa pambili ng mga susuotin ko. Hindi naman ako pwedeng kumontra at baka magkaroon pa ng world war sa pagitan naming dalawa. No choice talaga ako at sundin ang gusto niya.

"Nice body!"

Napatalon ako bigla ng may sumisilip sa akin, "Walang hiya ka Charles, doon ka nga sa labas!" taboy ko nito gamit ang kaliwang paa sabay takip sa katawan ko kahit wala namang hinaharap.

Hindi naman ito sumunod bagkus ay pumasok pa ng tuluyan sa loob at ini-lock ang pinto. Wala akong magawa ay naglakad pa-atras hanggang sa mapa-upo sa isang upuan. Nakatitig lang kaming dalawa, parang nakakatunaw ang mga tingin niyang makahulugan. Dahan-dahan pa niyang nilapit ang kaniyang mukha, siyang dahilang pagpikit na ng mga mata ko. Amoy na amoy ko ang natural niyang pabango sa katawan at nakakadik ito.

"Bakit nakaka-inlove ang mga katulad mo, Florian?" bulong nitong tanong.

Imbis na ibuka ang aking bibig ay tinulak ko siya palayo sa akin para manumbalik ang wisyo nito, "Ah Charles, bayaran natin itong sinukat na mga damit..."

Umayos na ito ng tayo at napa-ubo pa ito ng mahina, "Labas lang ako para maghintay then after mo masukat proceed na tayo sa malapit na cashier counter dito," paalam niya atsaka ito lumabas.

Napatunganga lang ako sa kawalan dahil sa kilos niya ngayon. After the day when he knew about the complicated status between me and Scott, nagiging mas clingy siya and he treat me like a girl. Noong una, medyo nag-aalinlangan ako sa mga gestures niya until nakaramdam nang kakaiba sa kaniya at hindi ko ma-distinguish kung tama ang mga pahiwatig o hindi.

Tumigil na ako sa kakaisip dahil biglang nakaramdam na init kaya mabilis na nagpalit ng damit at ayaw ko naman dapuan ng pawis itong damit dahil masyadong mamahalin pa naman itong mga pinasukat.

Tumingin muna sa salamin para ayusin ang sarili bago pa makalabas dito sa fitting room. Bumungad sa akin ang pila at mukhang naiinip pa ang mga ito, for sure naiinis na sila deep inside sa sobrang tagal ko pa lang magsukat at magpalit ng damit. Yumuko ako sa kanila para hindi makita ang aking pagmumukha.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon