Florian
Marami pa kaming ganap na nangyari sa Legazpi bago kami makauwi rito ng Maynila. Matagal ang aming biyahe at talagang sinulit nga ang agos nito dahil ang saya ng buhay ko kapag kasama siya. Sa katunayan, mas nagiging matatag ang relasyon namin ngayob compare noon. Halos hindi talaga ako makapaniwalang makakayanan pa namin ito precise may mga hindi kami nagkakaintindihan and naayos agad kalaunan.
"Bunchy, mamaya ako pupunta sa Enchanteé. May aayusin lang ako sa opisina ng kompanya."
Bigla ako nalungkot dahil hindi pala kami makakasama ngayon and I think matagal nanaman ang pagkikita namin. Kahit magkasama kami sa iisang bubong pero ang presensya naman ay nawawala.
"Don't worry, diretso agad ako sa Enchanteé to see you. Okay?"
Before I answer him, tinitigan ko ang bawat sulok ng kaniyang mukha. Kita mo talagang nangingibabaw ang kaniyang kagwapuhan at seryoso ang kaniyang reaksyon habang ang tingin ay nasa daan lang. Sobrang tutok ito at hindi pwedeng gambalain dahil iba ang mangyayari sa'kin kaya nanahimik lang ako rito sa tabi niya.
Sinunod ko naman tignan ang kaniyang nakaumbok na adam's apple, na siyang nagpapaakit sa mga nakikita nito. May mga patubo ring mga maliliit na balbas sa kaniyang panga.
"Isa pang titig mo sa'kin diyan Bunchy, I'm attempting to create a scene here inside this car!"
Napatigil ako sa pagtingin ay bigla itong nagsalita. I stop staring at him dahil una ay natatakot ako sa kaniyang pananalita at huli ay kakagaling lang namin sa isang bagay na karumaldumal ginawa sa aking katawan.
"Every time you looking at me, mas lalong tumataas ang temptation ko sa'yo."
Hindi ako umimik sa kaniya dahil baka may mangyari ang mga bagay na dapat hindi gawin dito mismo at makakita sa'min. Tahimik lang ako dumudungaw sa bintana ng kotse at ayaw ako ipatingin ang sarili niya.
Buong biyahe hanggang makadating na kami sa Enchanteé at ni-isa sa amin ang nakabuka ng bibig. Pinarada ni Scott ang kotse sa harapan at inayos ang kambyo nito para hindi gumalaw. Tinanggal ko ang seatbelt atsaka muling tinignan ang aking katabi. Nakatingin lang ito sa harapang parte, parang may hinihintay ito.
"Florian, you should go inside the restaurant dahil ma-late ka na."
"A-ah, o-oo papasok na ako!" medyo nauutal ako dahil parang may kakaibang awra akong naramdaman mula sa kaniya. Hindi ko ito pinagtuunang pansin at inuna ko kinuha ang mga pasalubong mula sa backseat ng kotse.
Mahirap kunin ang mga ito pero nakayanan ko, hindi rin ako tinulungan ni Scott sa pagkuha nito. Marami pala akong naibili para sa mga kasamahan ko. Hindi ko pa naibibigay ang unang korte puso kay Scott at binabalak kong gawing regalo sa kaniya for our first anniversary namin bilang magkasintahan.
Lumabas ako sa kotse ni Scott ng walang paalam. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagbago ang mood o awra niya dahil kagabi ay iba ang ipinapakita nito at nagawa pa nga namin ang bagay iyon. Ngayon lang ito nawalan sa mood ang kolokoy.
Hirap na hirap ako buhatin dahil mga tatlo o apat na mabibigat at malalaking plastic bag dahil naparami ako ng bili. Nagtalo pa kami roon ni Scott bago umuwi rito sa Maynila dahil nakabili ako ng pasalubong sa Cagsawa tapos bumili ulit sa may palengke ng Legazpi.
"Hoy boys, tulungan niyo naman si Florian!" bungad sa akin ni Andrea rito sa loob ng restaurant. "Daig mo pa ang mga gumala sa ibang bansa sa rami ng binitbit mo." dagdag na biro pa nito habang pinupunasan ang isang mesa malapit sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...