Florian
Flashback
Linggo nang nakalipas ang tagpong iyon ay walang sawang kilig ang ginagawa sa akin ni Scott. Alam ko sa sarili ko na sobrang lalim na ang pagtingi or should I say pagmamahal ko sa kanya. Maalaga, mabait, maasikaso, at higit sa lahat mapagkakatiwalaan dahil iyon ang pinaka-kinakailangan sa isang tao para mahulog sayo. Plus factor ang pagiging singer, gwapo, at may sense of humor.
Ngayon ay first day ng college trip papuntang Ilocos at pagtingin sa aking relo ay pasado alas-kwatro nang umaga. Hindi halata na sobrang excited lang sa pupuntahan at syempre makasama si Scott.
Naayos na ang mga gamit ko kagabi at dinouble check ko kung may nakalimutang dadalhin para bukas. Kaya naisipan kong tawagin si Scott para sabay na kaming pupunta ng Amersia. Nakangiti pa akong tinatawag siya kasi naman excited na makasama siya pero sa kasamaang palad ay hindi masagot.
Sa ikalawa, ikatlo, at hanggang umabot sa ika-pitong pagtawag ko nito ay puro ring at 'Sorry cannot be reach, please try again later' ang naririnig ko at nang dahil sa inis ay chinat ko na si Cheska na sasabay ako sa kanila papuntang Amersia at sa kanila na rin ako sasama nang masasakyan na bus.
Papunta pa lang ng Amersia hanggang sa papunta nito ay puro ring nang ring ang cellphone ko dahil sa tawag ni Scott. Kaya sa huling ulit nito ay sinagot ko na ang tawag.
"Hello, hindi na ako sasama sayo sa bus!" inis kong sabi sa tawag sabay baba at power-off nito.
"Florian, sigurado ka ba na sasama sa amin?" panigurado nitong tanong ni Shane na nasa shotgun seat. Ang pinsan ni Shane na si Ethan ang nagdrive nito. Tumango na lang ako bilang sagot.
Pagkarating sa meeting place namin ni Venus ay nagulat ako sa dala nito. Pumunta muna sa canteen para tumambay at pampalipas oras. Sa
"Ewan ko sa inyo!" inis na saad ni Venus.
"Tara na baka nagtatawag na ng pangalan sa gym!" dagdag pa niyang pagyaya sa'min saka namin dala-dala ang mga gamit papunta sa gym.Habang naglalakad kami papunta ng gym ay may biglang sumigaw sa likuran at tinawag ang aking pangalan kaya napalingon na lang kami. Mukhang pamiliar sa akin ang boses na iyon. Hinawakan nang mahigpit ang braso ko. Mukhang nasasaktan na ako sa hawak niya.
"Bakit ba? Hindi nga ako sasama sa'yo!" inis na sabi ko. Bigla na lang dumilim ang awra nito
"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa'kin sa bus!" galit nitong sabat sabay papunta sa department niya.
"Ano bang kailangan mo?" impit kong galit na tono. Agad naman umiling ang nasa harap ko. Nilapag niya ang bag sa isang pwesto at may hinahalungkat siyang isang bagay sa loob nito. Napalaki ang mga mata ko nang nailabas niyang isang lalagyanan. Paano niya nalaman ang paborito kong pagkain?
"Pasensya na kung hindi ko masagot iyong tawag mo kanina kasi sobrang busy ko gumawa ng adobo sandwich. Sakto sa ulam namin kagabi sa bahay." nakangiti nitong pagtawad sabay bigay ng isang sa akin. Tinanggap ko naman ito at nilagay sa isang plastic bag na may lamang chichirya.
"Ano iyang bitbit mong plastic bag?" turo nito sa bitbit ko. Hindi na lang ako umimik dahil baka magalit to the second power.
Kinuha niya ito at minamatyag ang loob nito. Tumingin ito sa akin na may halong paninikit ang mga mata nito. Napakamot na lang ako sa ulo dahil mahaba-habang eksplanasyon ito.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...