Chapter 37

4 0 0
                                    

Florian

After that memorable surprise, Scott get even sweeter that of what I'm thinking. Nadadala pa rin ang past moments kapag nakakasama ko siya, kahit nagbago pa. Ito siguro ang traumang iniwan niya sa'kin noon.

But based on his actions, unti-unti rin nalilimot talaga ang lahat at syempre na-fulfill niya ang mga nagagawa ng isang boyfriend. Love, comfort zone, buddy, enemy, or anything na pwedeng gawin sa kaniya.

"Pwede kaya ito iregalo sa pamangkin ko?" tanong niya habang hawak ang isang kulay white na teddy bear.

Nasa isang department store kami ngayon para mamili si Scott na mga gamit for his entire family. Nakagawian niya ito noong nasa Amerika siya at umuuwi rito sa Pilipinas for family dinner. Gusto niya pa ako isama pero tinatanggi ko palagi dahil hindi ako belong sa kanila.

Sinusuri ko muna ng mabuti para malaman kung bagay sa taong bibigyan niyan, 3 years old at lalaki ito kaya medyo sensitive para sa'kin kapag bata ang reregaluhan mo.

Kinuha ko sa tabi niya ang isang medyo malaking panda bear, "I think this one."

"Sounds good!" atsaka niya kinuha ito para ilagay sa isang maliit na pushcart.

Hindi rin ako nagpaiwan dahil kumuha ng isa pang panda bear para naman sa'kin. Ang cute kasi dahil may hawak siyang heart shape pillow at nakalagay ang isang salitang 'Still Together'

Nagtaka bigla si Scott sa ginawa ko, "Ba't ka kumuha ng sa'yo?"

"Wala." sagot ko. "Ihiwalay ko 'yan at ako ang magbabayad niyan."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." kamot ulo niyang saad. Huminto muna kami sandali sa isang tabi malapit sa cashier counter.

"Bakit ka kumuha ng panda bear, halos may naibigay ako sa'yong human size bear na cinustomize ko pa para mahalatang ako 'yon?"

Tumango lang ako habang naglalakad papunta sa mga toddler clothes.

"Mas cute kasing yakapin ang panda bear kaysa sa binigay mo sa'kin."

Kumabog bigla ang aking dibdib sa ginawa niya. Kinuha niya ang basket at padabog niyang niligpit ang pushcart, buti at hindi nasira ito. Mukhang hindi natuwa siya sa biro ko. Mas matinding tampo ito kaysa sa'kin at pahirapan pa ang suyong gagawin. Isang bagay lang ang gusto niya para mawala ito at iyon pa ang ayaw ko.

Sinundan ko siya papunta roon sa isang kilalang cloth brand at tumitingin siya ng pares na damit. Seryoso ito at talagang makikita mo ang inis niya sa mukha pa lang. Ang cute niya tignan kaya patago siyang picturan at i-post ito mamaya.

Pagkatapos ko gawin ang kalokohan ay sumunod na ako para samahan siya sa pagtingin ng damit. Halatang hindi niya pinapagana ang taste sa ibang bagay, pero magaling naman siya sa taste ng pagkain at pagiging pilyo. 

"Huy Scotty!" tawag ko sabay kalabit sa matipunong braso niya. Hindi pa ako pinapansin at mukhang ibang tao ang tingin niya sa akin.

Nag-isip ako kung paano niya papansinin ang boyfriend nito. Lahat na ng nagawa ko ay binuhos pero wala pa ring epekto sa kaniya. Kaya ito lang ang pag-asa ko para lang kausapin.

Idinikit ko ang aking katawan sa kaniya at lumapit sa tenga. Hinawakan ko rin ang kaniyang bagay para mapuno bigla temptation. Naramdaman ko agad at talaga gumagalaw pa ito.

"Ilang rounds ang gusto nating gawin mamaya?" bulong ko habang tinutuloy ang planong pagpapansin sa kaniya.

Noong una ay hindi pa ako nililingon hanggang sa humarap sa akin at binalandra ang tatlong hanger na hawak niyang damit na pambata.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon