Chapter 38

8 0 0
                                    

Florian

Sa ilang taon naming pagsasama ni Scott, halos perpekto talaga ang tingin ng mga malalapit namin sa puso. They're so happy to see us na maging healthy lang ang relationship.

But not until this time, it's another time Madam Ruth see me for taking all years after she left Enchanteé. Hindi nagbago ang kaniyang itsura kahit dumadagdag ang edad, walang kupas ang gandang taglay at umaapaw pa rin ang pagiging sopistikadang awra nito. 

Nakatayo lang ako habang si Scott ay lumapit sa kaniya ina para batiin ito. Balak ko rin sanang gawiin iyon pero pinapangunahan pa rin ako ng takot, kahit nagka-alitan kami dati noong siya pa ang may-ari nito.

"Good Morning Ma!" bati ni Scott kasabay ang beso nito. Gumanti rin ito ng pabalik pero ang mga mata niya ay nasa akin.

Urong-sulong itong dila ko at talagang sinusubukan kung kaya kong humarap sa magaling niyang ina.

"G-good Morning po, M-madam Ruth!" sabay yuko ko ng ulo. Nakikita ko pang tumutulo pa ang pawis ko papunta sa sahig.

Ni-isang bagay na tumatatak sa isipan ko ay iba pa rin ang pananaw ni Madam Ruth pagdating sa'kin. Kung ano ang tingin niya sa isang Florian Zephyr De Lara sa Enchanteé Restaurant noon, ganoon pa rin 'yon hanggang ngayon.

Pag-angat ko ng ulo ay iba ang sumalubong sa'kin. Isang masagang ngiti ang binigay ni Madam Ruth, totoo ito at hindi ako makapaniwalang bumaliktad ang iniisip kong magiging turing niya.

"Why don't you sit there?" kahit nasa shock stage pa ako ay wala sa oras akong umupo.

Alalayan sana ni Scott ang kaniyang ina papunta sa sofa pero biglang inangat ang kamay na tumanggi ito.

"Akala ko next week kayo pupunta rito?" simula niyang tanong kay Scott na tumabi sa'kin umupo. 

Sandaling sumilip muna sa'kin ito bago sa kaniyang ina, "Wala naman ako masyadong commitment for the incoming days and gusto ko rin ipasyal dito si Florian sa bahay bakasyunan natin."

Pinapanood ko lang ang mag-ina sa pag-uusap nila tungkol sa mga business related at talagang mapapakinig ka lang sa mga sinasabi like proposal sa family company.

"Dapat may anak ka ngayon para pagdating na panahong nasa tamang edad na ay siya maghahawak diyan sa mga business na mayroon ka."

Parang nabasag bigla pagkatao ko roon. Kahit hindi direktang sabihin sa'kin tungkol sa pagtanggi sa relasyon namin sa anak niya ay dama ko pa rin

"Hindi naman kita pinagbawalan dumami ng mga business na gusto mong patakbuhin pero huwag naman sa lagpas na daliri ang bilang niyan. Kalbo ang aabutin mo!"

Natawa si Scott sa huling sinabi ng Mama niya, "Ma, last na 'yon sa Subic."

"Tigil-tigilan mo sa paghahakot ng mga gustong i-business. Tama na 'yang resto bar sa Subic!" biglang nagtaas ang boses ni Madam Ruth kaya natakot ako bigla sa kaniya. 

"Y-yes Ma!" suko nito at tumango lang ang Mama niya. 

Sumagi bigla ang mga nakakamatay na titig ni Madam Ruth papunta sa'kin, "At ikaw!"

"You know that I'm against this kind of relationship right?" tanong niya. 

Wala akong imik at patagong tinitignan si Scott na halos naging seryoso ang mukha. Talagang ayaw sa akin ni Madam Ruth, just like the same reason she said in past times. 

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon