Chapter 35

3 0 0
                                    

Florian

Sa buong bakasyon ko rito sa resort, halos nakatutok ang atensyon ko kila Scott at sa kasama niya. Madalas hindi namin nakakasama kahit sandali o lumapit sa'kin man lang. Siya nag-suggest nitong lugar at gumastos nito pero magparamdam naman siya kahit salita lang niya. 

"Nasaan si Scott?" tanong ni Nanay pag-upo niya rito sa pwesto ng mesa. 

Nandito kami sa restaurant style nila at kasama sa accomodation namin ang free breakfast. Maraming pagkain ang nakahain at buffet style ito kaya ilang beses pwede magbalik kapag gusto pang kumain. 

"May pinuntahan po si Chef Scott, Tita Julianna. May aasikasuhin po kasing itatayong business na i-merge sa kakilala niya rito sa Subic." sagot ni Andrea. 

Mukhang hindi siya nagsasabi sa'kin ang mga plano niya at sa iba ko pa malalaman ang mga balak niyang gawin. Sana pala tinanggihan ko ang alok na pumunta rito at ako mismo mag-iisip kung saan kami magbakasyon. 

"Ganoon ba?" pati si Nanay ay nagtataka rin. "Mula kahapon ng hapon, hindi ko nakita si Scott kahit presensiya sa atin."

"Ganoon talaga Nay. Kapag may priority iyon at sa ibang tao iyon, walang pakialam 'yon si Scott doon sa naunang tao nilapitan niya." salita ko bago isubo ang huling kutsarang pagkain. 

Nagpaalam na ako sa kanila para makaligo ulit sa dagat bago ang pag-alis namin ng tanghali. Gusto ko maligo ng mag-isa para madama ko kahit papaano ang summer kahit nag-uulan kagabi rito. 

Pag-apak pa lang ng tubig ay biglang naninginig ang tuhod ko sa lamig. Ganito pala kapag umaga ka maliligo at halos walang gaanong pumupunta rito. May mga natitirang oras naman ako at hindi rin matatagal. 

Tamang babad lang sa dagat at langoy kahit hindi naman marunong. May mga nagbabantay naman sa dagat kaya okay lang naman mag-floating. Hindi rin sumama silang lahat dahil maghahanda pa sila bago umalis. Tumigil na rin ako sa paglalangoy na nakaramdam ako ng init sa mukha. Kinuha ang isang tulwayang nakasampay sa isang cottage para punasan ang aking mukha. 

"Bilisan mo Florian kumilos at nagmamadali ang mga kuya mo dahil may pupuntahan daw tayo." taranta ni Samantha sa'kin habang hawak ang kaniyang make up brush.

Tumango ako sa kaniya at tinungo agad ang banyo para maligo at magbihis ng maayos na damit. Sisimulan ko talaga ngayong araw na maging presentable sa ibang tao at mag-ayos na rin ng sarili kahit pulbo at pabango lang. Buti nadala ko ang isang kulay berdeng t-shirt na Mickey Mosue ang design, denim pants, at kapares na isang kwintas na nabili ko online.

Matapos ko maligo at nagbihis na'ng sarili ay roon nakahanda lahat ng mga gamit namin sa baba dahil two floors pala itong ni-rentahan ni Scott para sa tatlong araw namin pag-stay. Maganda ang lugar dahil klarong-klaro ang tubig, maputi ang buhangin, at higit sa lahat ay masasarap ang mga pagkain dito kapag sineserve nila kapag umaga pero medyo may pagkamahal din ang presyo kaya hindi kakayanin, buti talaga ay nandiyan si Scott para diyan pero wala talagang katawan ang maaninag mo. 

"Gusto niyo bang gumala rito sa buong Subic?" tanong sa'min ni Kuya Victor habang pinupunasan ang kaniyang sapatos. 

"Nandito rin naman tayo, so gorabells lang Kuya Vic!" sagot bigla ni Precious. 

Hinampas ito ni Samantha, "Gaga, hindi naman ikaw ang kausap at sumasabat ka riyan!" 

Napatawa lang si Kuya Victor sa dalawa, "Okay lang Sam. Tama rin naman siya kasi nandito tayo sa Subic and maraming pasyalan dito."

"Oh di'ba, may tama ako!" lakas loob niya itong saad atsaka kinuha ang bag niya. 

"Talagang may tama ka..." sulpot bigla ni Andrea hawak ang isang tote bag. "Kaso sa utak lang!" 

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon