Chapter 30

6 0 0
                                    

Florian

Mula noong sumulpot ang isang matangkad na lalaki at sasakyan niyong Landcruiser, madalas na ito sumusulpot tuwing gabi sa amin at minsan ay binabato niya ang salamin ng kwarto ko. Buti na lang ay hindi ito nababasag.

Ayaw ko muna sinabi kila Nanay tungkol dito at baka mag-aalala ito na siyang gusto kong iwasan.

Tinatanong ko sa mga guard ng village kung mayroon bang pumapasok na naka-Land Cruiser pero iba ang naka-duty roon. Halos, iba ang kutob ko kung bakit napapadalas ang punta roon sa bahay ng dis-oras ng gabi.

"Ayon pa rin ba iniisip mo?" bakas sa pag-aalala ni Alejandro sa'kin. Nasa kotse niya kami ngayon para pumunta sa hotel dahil may kailangan sina Precious.

Mula ng masabi ko tungkol doon ay nagiging protective siya sa akin. Everytime he is out somewhere ay palagi siyang nag-update kung ano ang kalagayan ko at sumusulpot ba ang sasakyan iyon.

Ibang Alejandro ngayon ang nakakaharap ko kumpara noong mga unang araw niya sa bahay na halos puro kami hindi nagkakaunawa sa isa't-isa. Kinakailangan talaga makilala ang isang tao para mas lalo mo pang hukayin ang totoong pagkatao.

Hindi ko sinagot dahil alam kong magbibitaw 'yan ng madalas niyang sinasabi.

"Sabi ko naman kasi diba i-report mo sa pulis para malaman at mahuli 'yung taong sumusunod sa'yo!"

Alam kong nag-aalala siya pero huwag naman i-punto na may madamay ang dignidad ng taong iyon para sumunod.

"Kapag talaga naulit at nakita ko 'yong taong sumusunod sa'yo, babantayan pa kita lalo para naman sa seguridad at kapakapanan mo!" may halo nitong pag-alaga at timpi sa sinasabi.

Tumango na lang ako para hindi na lumaki ang gulo namin at mawalan pa ng mood sa araw mismo ng kasal ni Andrea.

Hindi man kami nakakarating sa pupuntahan namin ay biglang may sumesenyas na motor sa aming gilid. Kaya binaba ko ang bintana para malaman kung ano ang dapat sabihin ng driver nito.

"Flat ang gulong niyo!"

Nawindang kaming dalawa ni Alejandro. Pumarad ang kotse namin sa isang tabi pero bago ginawa iyon ay nagpaalam kami sa isang traffic enforcer na pumarada sandali sa isang tabi at pumayag naman siya.

"Fuck this life!" singhal ni Alejandro habang padabog niyang inaayos ang manibela ng kotse.

Nagmamadali kaming makahanap ng parada at saktong maluwag ang pwesto nito kaya naisipan naming doon pumunta.

Pagkaparada ng kotse ay roon na hinuhad ang suot ni Alejandro na suit atsaka bumaba. Sinundan ko lang ng tingin pero napagdesisyunang bumaba rin para panoorin siya kung paano mag-ayos ng kotse.

"May pako sa harapan!" turo niya roon sa gulong na parang may palubog sa ibabang bahagi.

Lumapit man ako roon at hinahanap kung saan ang sinasabi nitong pako. Noong una, hindi ko mahanap sa sinasabi niya hanggang ito ay tinuturo niya ang pwesto nito.

"Ang lalim pala!" hindi ako makapaniwala at tinignan si Alejandro na bitbit ang mga tools para itanggal ang gulong.

"Umalis ka diyan para mapabilis ang alis natin!" pagsusungit nito.

"Ito naman iwasan mo ma-stress ngayon..."

Tumigil sa pagbaklas ng mga turnilyo sa gulong atsaka nakakunot ang noo.

Fools in Love (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon