Florian
Kumusang dumilat ang mga mata ko ngayong umaga mula sa aking pagkakatulog. Wala sa oras akong napapangiti dahil ngayong araw ay kaarawan ni Scott. Tinitignan ko ang regalo sa ibabaw ng mesa at hinawakan ito.
Sana magustuhan mo ito Scott.
Bumangon ako ngayon at kinuha ang tuwalyang nakasampay sa likurang bahagi ng pinto. Binuksan ang cabinet at maghahanap ng damit na susuotin para sa mamayang celebration. Hindi ako mapakali ngayon dahil ngayong araw ko rin makikita si Scott.
Nakasukbit sa akin ang tuwalyang gagamitin sa pagligo, may biglang kumatok sa pinto. Noong una ay hindi ko binigyan pansin pero sa pangalawang katok ay sobrang lakas. Hindi ko alam kung nang-aasar ang mga kuya ko dahil alam nilang birthday ngayon ni Scott.
Inis kong napapadyak patungo sa pinto at lumuwa sa akin sina Precious, Shanel, Andrea, at Samantha bitbit ang mga bagay na pang-ayos.
"Bakit may bitbit kayong ganyan?"
Hindi man sumagot ang mga ito sa tanong ko bagkus ay tuloy-tuloy silang pumasok sa loob ng kwarto. Nilapag nila ang mga hawak na pang-ayos tulad ng make-up at blower sa kama. Ang mga ito ay tinignan bawat sulok ng kwarto, mula sa kisame hanggang sa mga gamit.
"Uunahan kita, sinabihan namin sila Tita na sumama sa birthday celebration dahil kilala naman nila si Scott plus forever in your life kaya kailangan imbitado sila." bigkas ni Andrea habang hawak ang isang make-up bag.
"So, anong connect sa sinabi mo riyan sa make-up?" tanong ko nito sabay turo sa mga dala nila.
"Aayusan ka namin para naman mabighani ang totoong kagandahan mo, Florian!"
In my entire life, never ako naglagay ng mga kolorete sa mukha kahit ganito ako dahil ayon ang realidad at hind ako mahilig sa mga ganyan. I said last time, nagmumukha akong pokpok na bakla ang magiging itsura.
"No." simpleng saad ko nito habang tinungo ko papasok sa loob ng banyo.
Sa pagligo ko ay bumalik muli ang ngiti ko ngayon araw, ayaw ko sirain ang sarili sa simula ng araw para lang sa maliliit na bagay. Kuskos, hilod, at pagbasa ay siya lang ang iniisip ko. Ganito pala ang pakiramdam na bibigyan mo ng regalo para sa minamahal mo.
Paglabas ko mula sa banyo ay muntikan akong matumba sa kinatatayuan ko. Nakahanda ang mga pampanganda at nakabalandra ang isang puting dress. Gagawin nila akong isang ganap na babae, para sa birthday ni Scott.
"Hindi ko gagawin iyan, please lang!" pagdiin ko pa nito.
"Ang kj mo naman masyado, Florian!" dismayadong tunog ni Andrea na napa-upo na lang sa sahig. Sina Shanel at Samantha ay nalungkot dahil halatang gusto talaga nila ako ayusan. Si Precious ay napakamot na lang sa kanyang ulo dahil sa inis.
"Tang ina naman Florian, kung ako sa'yo gagawin ko iyan para sa isang tao lang naka-focus at hindi titingin ng iba. Think Florian, think!" impit nitong galit kaya napatawa ako deep inside sa itsura niya kapag nagagalit.
Huminga muna ako nang malalim dahil no choice talaga ako, kung hindi maging isang ganap na babae ngayong araw. Akala ko naman magiging masaya ako kahit ganito pero di bale parte ito sa buhay ko ang maging ganito kahit ngayon lang.
Umupo ako sa isang upuan, "Oo na, ayusan niyo ako. Basta ngayong araw lang at hindi ito mauulit." ani ko habang pinupunasan pa ang aking buhok.
Napapalakpak naman sa tuwa ang mga kasamahan ko at isa-isa silang lumapit sa akin para yakapin. Napahigpit ang mga yakap nila kaya bigla ako napa-ubo dahil nasisikipan ako sa may bandang harapan.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...