Florian
"Let us carve gems out of our stony hearts and let them light our path to love."
Ayan nga kasabihang talagang madalas nagiging maganda, tumatatag, at tumatagal ang relasyong nagiging faithful at loyal. Maraming hindi magandang nangyayari habang tumatahak sila pero nagiging aral 'yon sa lahat.
But our pathway was different to others, me and Scott have a lot problems and loopholes that we needed to correct. Kahit sa opposite sex relationship, may mga pinagdadaanan din sila pero ang pinagkaibahan sa amin ay dumadagdag ang discrimination and close minded people that want us unwelcome in society and entire life.
Siguro, ganoon din ang iniisip ni Scott kaya niya nagagawa ang mga bagay na namamagitan sa'min. Maraming nag-aasam na mayroong relasyon sa kapwa kasarian pero hindi gaano kadali dahil nga sa mga posibleng mangyari pagkatapos.
"Scott..." sabay kagat labi. Hindi gaano tumatakbo ang isipan ko dahil sa mga biglang pangyayari ngayong gabi.
"Sa totoo lang, wala talaga ako masabi dahil isang araw ka hindi nagpaparamdam atsaka sobra akong nagulat ngayon."
"I understand, Bunchy." tipid nitong saad kahit nakaluhod pa rin siya.
"Sana nagpaliwanag ka noong engagement party niyo ni Fiona at sobrang pag-iintindi ang gagawin ko para sa'yo. Pero hindi mo nagawa iyon lahat dahil masyado mo akong pinapatay noon."
"Duwag kasi ako noon at ngayon ako babawi para sa'yo!"
Mabilis dumaloy ang luhang kanina pang gusto kumawala. It's hard to forget all the past na masakit sa akin. Sabi nga sa kinanta nila kanina, maraming beses man ang sakit na pinadama sa'yo pero may panghahawakan kang isang bagay at dapat nilang ipaglaban 'yon.
Tinignan ko ang oras sa aking relo, mag-alas syete ng gabi at sumabay pa ang pagkulo ng tiyan. Kaya ko namang tiisin ngayon at gusto ko talagang sinusulit ang lahat na pangarap ko pati rin kay Scott. This is a perfect place I want noon, itong ginagawa niya ngayon.
"Ang tagal mo sumagot Florian at kawawa si Chef Scott sa ilang minutong nakaluhod diyan!" dinig kong sigaw ni Precious.
Tinignan ko sa pwesto nila pero unti-unti lumalabo ang aking paningin, siguro dahil sobrang dilim ngayon at ang ilaw ay nakatapat lang sa pwesto namin. Para tuloy kami nasa isang competition at sumali ang banda nila.
Sandali, parang nangyari iyon dati sa'min ah?
Nilingon ko si Scott na kanina pa nakaluhod at kakahintay sa magiging sagot mula sa tanong niya. Doon din bigla naging klaro ang tingin. Siguro kailangan ko magpa-check up pagkatapos sa doktor ng mga mata.
Huminga muna ako nang malalim at doon ko isisigaw ang hinihintay niyang sagot maging sa ibang tao rin.
"Yes Gwapings!"
Bigla sumilay ang ngiti niya sa labi mula ng marinig ang inaasam niyang salitang kailangan marinig. Halos lahat ng mga lalaking ka-partner ay matutuwa sa pangarap nilang makasama ang taong mahal habang buhay, sana hindi ulit masira iyon.
Tumayo ito at dali-daling yumakap na sobrang higpit sa'kin. Bakas sa kilos niya ang sobrang sabik at mukhang nakuha niya ang pinakagustong kinalalagyan sa pagitan namin.
"Thank you Florian!" paulit-ulit nitong banggit. Halatang nailabas na ang totoong nararamdaman niya dahil naririnig kong pag-iyak sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...