Florian
Napadilat ang mga mata ko at naaninag ko ang isang puting kisame. Paglinga ko ay isang kwarto at andon nakaupo sa sofa si Boss Clark habang may kausap ito sa telepono.
"Ano bro?! Paano mo mababawi sayo si Florian?" rinig kong sabi ni boss Clark sa kausap niya sa cellphone. Sa mga linyahan niya ay mukhang kilala ko na kung sino kausap nito.
Tumingin naman sa pwesto ko si Boss Clark at iniwasan ko naman ito kaya bumalik ang tingin ko sa kisame ng kwartong ito.
"Sige sige, gising na si Florian bro. H'wag ka na pumunta dito okay naman siya. Ibaba ko na yung tawag." pagbaba ng tawag nito atsaka lumapit sa'kin si boss Clark.
"Kamusta ang lagay mo?" he ask me with care.
"Okay naman po boss-"
"Just call me Clark na lang and wala tayo sa restaurant." pangcorrect nito sa pagtawag niya. Mukhang hindi ata siya komportable sa pagtawag ng boss.
"Okay po Clark." nahihiya ako tawagin sa first name niya.
"Next time, just drop the word na 'po' hindi naman ako matanda at I know kilala mo na ako sa Amersia." napalaki ang mga mata ko sa nasabi niya. Wait! Paano niya nalaman?
"I just saw your resume na nag-aral ka sa Amersia and you're one of the ex ni Scott." mukhang seryoso yung tono ng pananalita niya. Jusq! namula ako dito.
Yeah, I know that Clark and Scott are best friends. Gusto ko nga kalimutan nga lahat-lahat ng mga katangahan na nangyari and connection related kay Scott. Also, Clark is one of my closest friend sa lahat ng kaibigan nito. Sa lahat ng magkakaibigan, siya yung pinakamabait para sa akin.
Puro kwentuhan ang nangyari dito. Ilang sandali ay pumasok ang doktor para isuri ulit ako kung okay na ang pakiramdam ko bago madischarge.
---------
"Salamat sa paghatid!" nakangiti kong pasasalamat sa kanya
"Wala 'yon Rian, that's what friends are for." ganti rin nitong ngiti at lumabas na ng sasakyan niya. Kumaway ako sa kanya bilang paalam at kumaway pabalik naman si Clark sabay harurot paalis ang kanyang sasakyan.
Pagpasok ko sa bahay ay napakatahimik at madilim ang pagbungad sakin. Mukhang mga tulog na sina Nanay, pagtingin ko sa orasan ay 11:15pm na. Kaya pumunta na ako sa kwarto para mag-ayos na ng sarili bago ako matulog.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyari this past few days. Siguro sa sobrang pagod yung buong katawan ko kaya nagkakaganito.
Tinapos ko na ang rituals ko bago matulog. Habang nagpupunas palang ako ng buhok ay may magkasunod na tumunog ang cellphone ko. Pagbukas ko nito ay may dalawa akong message nakita.
Clark: Please take care of yourself, maghahain ako ng leave mo bukas for take some rest. Good night Rian!
Scott: Are you okay now Florian? If there's anything happen please contact me. Oíche mhaith agus is breá liom tú *with heart emoji*
Agad ko namang tinext yung nauna dahil ayaw ko magleave talaga. Jusq! Baka abusuhin ko na yung kabaitan nito.
Naku boss, you don't need to do that. I'm okay now. Wag na po kayo maghain ng leave ko. reply ko.
Agad naman nagreply si Clark.
"I told you earlier that do not call me boss , maghahain na talaga ako ng leave mo kapag tinawag mo ko niyan sa ayaw at sa gusto mo."
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...