Florian
Matapos lang talaga ang pangyayaring hindi ko inaasahan noong isang araw sa event ni Andrea. Nakakahiya man sa mga bisita pero masyado namang nagpakitang mahal ko pa si Scott.
Tinawagan ko kahapon si Andrea para patawarin sa DEVASTATED scene sa party niyang successful. Tinanggap niya man iyon pero hindi ko kayang humarap sa kaniya. But, hindi ako magkatanggi ngayon para samahan siya pumuntang mall. Hindi ko alam kung bakit niya naisipang gawin iyon at kahit buntis pa rin siya ay dapat maingat siya sa mga bagay kapag nasa labas ito.
Nagpasa ako kay Alejandro para naman mayroong isang lalaki just in case of emergency.
"Mayroon akong jamming na pupuntahan after nito." singhal nito habang naghahanap na ma-parkingan.
"Pwede mo namang hindi puntahan 'yan. Atsaka mas important ito dahil nagpapasama ang buntis at kailangan ka namin for emergency!"
"Tsk!"
Biglang huminto ito sa gitna. Malapit na ako masubsob sa compartment ng kotse namin. Sinamaan ko ng tingin sabay hampas paulit-uli sa matikas nitong braso.
"Ano bang problema mo?!" this time naubos ang pasensya ko sa kaniya. "Sana humindi ka na lang kung ayaw mo at tinatamad kang lumabas. Magpapasama lang tapos galit pa!"
Kinuha ko ang sling bag at sinuot ito para lumabas na lang ako ng kotse sa sobrang inis. Mukhang nagdulot ata kami ng traffic sa loob ng parking area dahil sa pagtagal namin doon. Marami kasing nakapila na sa likuran ng kotseng sinasakyan ko.
Padabog ako maglakad papasok ng entrance ng mall. Nakakainis sa taong ayaw magpasama nang walang dahilan para humindi. Magkikita lang kasi sila ng kaibigan niya sa Makati at mag-party hoping kung saan-saan.
Bumungad talaga sa'kin ang sobrang lamig na binubuga mula sa aircon ng mall. Manipis pa naman ang tela ng suot kong damit at ang masama ay naiwan ko pa sa kotse ang long sleeve na nakasabit lang sa likuran ng inuupuan. Mamamatay ata ako sa konsumisyon dahil sa kaniya.
Naglakad lang ako ng ilang metro bago makarating sa lugar na kikitaan namin. Hindi makakasama si Angelo, ang future husband niya, because may aasikasuhin ito sa trabaho bilang Engineer.
Kinuha ko sa sling bag ang cellphone para i-text si Andrea. Mukhang wala pa at masyadong maaga ako nakarating sa mall.
"Nandito ako sa loob ng National Bookstore. Nasaan ka na?" text ko nito sa kaniya. Pinasok ko naman agad sa loob, baka mamaya may kumuha at mahirap na.
Habang hinihintay ang reply niya sa text message ko ay nag-iikot ako sa loob para tignan ang mga libro at baka may magustuhan ako.
Paulit-ulit tumutunog sa loob ng sling bag and for sure siya ang nag-text. Sa sobrang expect ko ay hindi pala si Andrea ang lumabas sa message box kung hindi ay ang mga networks na may parang promo or something na hindi naman ako interesado. Kaya ibinalik ko sa loob at itinuloy ang paghahanap ng magiging gustong libro.
Sumakto talaga sa isipan ko ang hinahanap na librong matagal kong gusto basahin. Ni-recommend sa'kin noon ni Charles noong nasa York pa ako at nabili niya raw rito.
Kaya lumapit ako sa isang staff ng National Bookstore para tanungin ang hinahanap kong libro.
"Miss?" tawag ko nito. Lumingon naman siya sabay ngiti.
"Saan po ba makikita itong libro?" pinakita ko sa kaniya ang isang litrato ng book cover.
Gamit ang kaniyang kanang kamay, itinuro niya sa'kin at sinunod ang tingin ko sa direksyon.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...