Florian
Flashback
Ilang buwan ang nakalipas ay ganon pa rin ang tungo sa akin ni Scott. May times na nagiging sweet siya at may times rin na medyo cold at busy sa kausap niya at hanggang ngayon ay nagtataka ako kung sino ang 'loves' na tinutukoy sa cellphone niya.
Sexual intercourse? Ayon rin ang iniisip ko. Once na nagiging sweet siya sa akin, then after that day bigla na lang nagiging cold. Isang kalabit lang sa akin ay iyon ang ginagawa namin. Iyon ang aming more than sweetness moment namin bilang mag-jowa.
Ang tanong, mag-jowa ba talaga kami?
Now, I'm a second year Economics student at busy sa paggawa ng magiging report ko sa isang major subject. Kaya nandito ako ngayon sa library para maghanap ulit ng mga magiging references para once na itanong ako ng professor ko ay may maisasagot nito. Madali lang naman yung topic na irereport ko. Next week pa ako magrereport pero mas magandang handa na ako.
As usual, maraming tao rito sa library at ang dahilan nito ay malakas ang wi-fi at malamig dito. Nahihirapan ako ngayon maghanap ng mauupuan. Sa paghahanap ko nito ay may nakitang isang bakanteng lamesa na malapit sa aircon. Pinuntahan ko na iyon para wala nang umagaw sa pwesto na iyon.
Nag-umpisa na akong aralin ang mga nakuha kong libro para sa report. Ninamnam ko yung lamig na binubuga ng aircon.
May kumalabit sa akin kaya napalingon ako kung sino iyon. "Excuse me miss?" tawag nito sa akin.
"Yes?" tanong ko nito. "But I'm not miss." pagtama ko nito tsaka ngumiti sa kanya.
"Sorry, akala ko kasi babae ka." sincere nitong tawad. "Pwede maki-upo rito?" tumango na lang ako para makaupo na siya.
Tinuloy ko ang ginagawa take-down notes para may mailagay ko sa powerpoint. Manghihiram na lang ako ng laptop at flashdrive kay Scott.
Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ay may nagvibrate na cellphone. Tinignan ko sa bag kung nagvibrate ito pero walang tumatawag. Nagvibibrate pa rin yung cellphone kaya kinalabit ko yung babaeng na nagbabasa ng isang pocket book.
"Ah ate, iyong cellphone mo po nagvibibrate baka may tumatawag." ani ko sa babae. Nag-sorry naman ito at kinuha yung cellphone sa bag niya. Kaya bumalik na ako sa ginagawa.
"Hello Scott honey?" rinig kong tawag sa kausap niya.
Scott? Baka yung jowa ko?
"Ahh andito ako sa library. Why?" pabebe nitong saad sa kausap sa telepono. Bigla ako napatigil sa aking ginagawa at ang aking tenga ay nakikinig sa kanya.
Bigla tuloy ako nagkaroon ng curiousity sa aking isipan kung sinong Scott ang kausap niya.
"Really! Sige sige kita na lang tayo sa may bandang fountain. Bye, I love you honey!" aniya sa kausap. Nagligpit ito sandali ng gamit sabay tumayo sa kinauupuan nito.
Ilang sandali lang ay nawala na sa paningin ko ang babae ay bigla ako kinutuban nang kakaiba, kaya nagligpit na rin ako ng gamit sabay umalis sa library.
Pagkalabas na pagkalabas ay hinanap ko ang babae na nakausap sa cellphone ngunit wala.
-----
"Baka naman ibang Scott naman yung kausap nung babae. Kumalma ka Florian. KUMALMA KA!" natataranta nitong ani Trixie na isa sa naging kaibigan ko since first day ng second year.
BINABASA MO ANG
Fools in Love (BxB)
General Fiction[R-16] [Complete] Bilang isang parte ng ikatlong kasarian o mas kilala sa tawag na LGBT, mahirap makahanap ng isang tao na kaya kang mahalin at tanggapin na para isang kasintahan na madalas ginagawa ng mga tao na mas kilala sa tawag na straight o mg...