Chapter 13 " Ang Panlilinlang kay Orestes at Jade"

26 2 0
                                    


Chapter 13 "Ang Panlilinlang kay Orestes at Jade"


(Tulayang inihagis ni Orestes ang Maliit na Kabaong na hawak niya...)

Orestes: Punyeta! Namukhaan ba ninyo ang nagpadala nito!

(Nang marinig ni Jade ang pagsigaw ni Orestes ay nagmamadali siyang bumaba ng hagdan...)

Jade: Papa! Ano'ng Problema!?

Orestes: (Tumuro sa Maliit na Kabaong) Itapon ninyo iyan! Itapon ninyo iyan, ngayon na!

Jade: (Pinulot ang Maliit na Kabaong at tiningnan) Alam ko, hindi magandang biro ang magpadala ng Kabaong sa isang buhay na tao, Pero Bakit ka natatakot dito, Papa? Eh hindi mo naman pangalan ang nakalagay dito?

Orestes: Kahit sino pang Poncio Pilato ang pangalang nakaimprenta diya, basta itapon ninyo iyan!

Alejandro: May nakaaway po ba kayo, Sir?

Orestes: (Galit) Wala! Wala akong nakaaway! Wala akong naapakang sinuman!

Alejandro: (Sa isip) Natapakan wala, pero nasagasaan, meron!

(Niyakap ni Jade ang kanyang ama...)

Jade: Papa, papa huminahon ka...

Alejandro: Kukuha lang ako ng tubig sa kusina.

(Agad na tumungo si Alejandro sa Kusina at kumuha ng inuming tubig. Nakatingin lamang si Alejandro sa Pitsel ng Tubig at Baso habang nagsasalin ng inumin...)

Alejandro: Kung puwede lang na lagyan ko na ng lason ang tubig na ito ngayon mismo, pero hindi, pahihirapan muna kita at papraningin. Mas malaki ang plano ko sa iyo, at mas gusto kong ikaw na mismo ang humiling ng iyong kamatayan, Orestes Saldana!

(Agad na dinala ni Alejandro ang tubig kay Orestes at pinainom...)

Alejandro: Inom po muna kayo, Sir.

Orestes: Salamat, Angelico.

Alejandro: (Sa isip) Wala sa iniinom mong tubig ang lason, kundi nasa harapan mo. magugulat ka na lang na unti-unti ka na palang mamamatay nang hindi mo nalalaman!

Orestes: Jade, dalhin mo kami ni Angelico sa Study Room. Iwanan mo muna kami roon.

Jade: Opo, Papa.

(Dinala na nga ni Jade sa Study Room sina Orestes at Alejandro...)

Jade: Aalis na po ako, Papa.

(Umalis na nga si Jade at naiwan sa loob sina Alejandro at Orestes...)

Orestes: Mayroon akong hindi maipagtapat sa aking anak.

Alejandro: Tungkol po saan?

Orestes: Tungkol sa Maliit na Kabaong kanina. Totoong mayroon akong nakaaway, ilang taon na ang nakalilipas.

Alejandro: Ano ho ang kinalaman ng kaaway ninyo sa maliit na kabaong kanina?

Orestes: Nasagasaan ng tauhan ko ang pangalang nakaimprenta sa loob ng maliit na Ataul kanina. Si Alejandro Perez Sr..

Alejandro: So Basically, napatay ho ninyo? O ng tao ninyo?

Orestes: Oo. Binabayaran ko ang pamilya nila sa kapalit na huwag nang magsampa ng kaso. Isang bata ang tumatak sa akin. Ang bunsong anak ng Alejandro Perez Sr. na iyon na binuhusan ako sa mukha ng Juice at ng kung anumang hawak niya noong panahong iyon.

(Bumabalik sa isip ni Alejandro ang mga kaganapang iyon. Tiim-Bagang siyang nagpipigil ng galit habang kaharap si Orestes...)

Orestes: Karapatan naman din niyang gawin sa akin iyon. Anak siya na nawalan ng Ama. Alam kong siya ang may gawa nito. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Natatakot ako para sa buhay ko dahil may pagkakamali akong ginawa. Sa isang banda, bakit naman ako matatakot, he doesn't have any means, wala siyang pambayad sa papatay sa akin, unless siya ang gagawa noon, in his own hands.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon