Chapter 32 "Hubaran ng Maskara si "Angelico""
Baby Ruth: Panahon na siguro para magkausap kayong dalawa ni Cheska, Ma'am Lourdes.
Lourdes: Hindi, Baby Ruth. Nahihiya ako sa mga ginawa ko. Nahihiya ako sa mga ginawa kong pagpapahirap sa kanya, sa pagpapakulong ko kay Aling Young-Ae, sa lahat ng ginawa kong hindi maganda sa kanya, not knowing the big possibility na anak ko siya.
Baby Ruth: Mas maiging mag-usap na kayong dalawa ni Cheska para maplano natin ang pag-silo sa kapatid ko, at matigil na ang kabaliwan niya.
Erlinda: Mas makabubuting gawin natin ang sinasabi ni Ruth, Ma'am.
[Huminga ng malalim si Lourdes...]
Lourdes: Sige, pumapayag ako. Pero ikaw ang magsabi, Baby Ruth, pakiusap. Wala akong mukhang maihaharap sa inyo.
[Kinuha ni Baby Ruth ang kanyang cellphone at tinawagan si Cheska...]
Baby Ruth: Hello? Cheska? Pupunta kami diyan ngayon.
Cheska: (Kabilang Linya) Kami? Sino ang isasama mo?
Baby Ruth: Malalaman mo na lang kapag nandyan kami. Basta hintayin mong dumating kami diyan. Bye.
[Pinatay na ni Baby Ruth ang tawag...]
Lourdes: Tanggapin kaya niya ako?
Baby Ruth: Magtiwala kayo. Tatanggapin ka niya.
[HIndi nga nagtagal ay tumulak na sina Baby Ruth, Erlinda at Lourdes sa bahay nina Cheska...]
Baby Ruth: (Kumakatok) Tao po? Cheska?
Elvie: Oh, Baby Ruth, pasok ka.
Baby Ruth: May kasama ako.
[Unang nagpakita sa pintuan ng bahay ni Cheska si Erlinda....]
Cheska: Hala! Bakit nandito iyan! Patay na si Aling Erlinda, 'di ba?
Erlinda: HIndi. Buhay na buhay ako.
[Mas ikinagulat nilang lahat nang si Lourdes naman ang nagpakita sa pintuan ng kanilang bahay...]
Aling Young-Ae:(Galit) Ano'ng ginagawa ng walanghiyang iyan dito? Bakit mo dinala dito ang babaeng iyan?
Lourdes: Hindi po ako nandito para makipag-away.
Aling Young-Ae: Nandito ka hindi para makipag-away? Eto lang ang masasabi ko sa iyo. Aawayin kita kung gusto ko dhil nandito ka sa teritoryo ko! Ano akala mo? Yung mga ginawa mo ay ganun-ganun na lang pagkatapos ng lahat? Pagkatapos mo akong ipakulong?!
Lourdes: Iuurong ko na ang kaso laban sa inyo, ALing Young-Ae. Pero hindi iyon ang ipinunta ko dito.
Cheska: Kung ganoon, ano po ang dahilan bakit kayo pumunta sa bahay namin?
Lourdes: Gusto kong marinig ang bersyon ninyo. Ng Kuwento ninyo.
Cheska: Maupo muna kayo.
[Naupo sina Erlinda, Baby Ruth at Lourdes...]
Lourdes: ANg sabi ninyo, Aling Young-Ae, kayo ang nakapulot sa anak ko?
Aling Young-Ae: Janitress ako noong panahong iyon sa ospital na pinasabog at nasunog.May napulot akong sanggol na nakasakay sa isang lalagyan na dapat ay nasa loob ng nursery room. Mayroong pendant na pangalan niya na Angelico, ibabalik ko sana sa Nursery Room ang bata pero nagkataong nandoon ang hostage taker, sa taranta ko, iniligtas ko ang sarili ko kasama ang bata. Ako talaga ang dahilan kung bakit niya pinasabog ang ospital dahil nakita niya akong pilit kong binubuksan ang pinto patakas.
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...