Chapter 12 "Panibagong Kasinungalingan"
(Sabay-sabay na kumakain sina Lourdes, Gaudencio, Orestes, Jade at Alejandro...)
Lourdes: Alam mo ba na matagal ka na raw gusto ni Angelico mula nung iniligtas ka niya sa mga lalakeng nangharass sa iyo?
Orestes: The same thing that Jade said. Hindi niya makalimutan ang araw na iyon.
Jade: Pa naman...
Alejandro: Tama na, Ma, Nahihiya ako.
Gaudencio: Nagkakahiyaan na sila sa isa't isa, indikasyon na talagang may gusto sila sa isa't isa.
Orests: It's so good na anak mo pala ang lalakeng iyan, Gaudencio. Maayos ang pagpapalaki sa kanya.
Lourdes: Nagpapasalamat kami sa nagpalaki sa kanya.
Orestes: Narinig ko nga na hindi sa inyo lumaki si Angelico gawa nang siya ay nawala, dalawang dekada na ang nakakaraan.
Gaudencio: Kaawa-awa ang sinapit ni ANgelico. Bata pa siya nung namatay sa isang aksidente ang nagpalaki sa kanya. Kinailangan niyang gumawa maski ng ilegal, mabuhay lamang.
Orestes: I won't detest him for that. At least tumigil siya lalo ngayong nahanap na niya kayo.
Lourdes: Huwag din sanang magtapos sa paghihiwa-hiwalay natin mamaya ang tagpong ito. I really like her to be my Daughter in-law.
Alejandro: Ma, daughter in-law agad?
Lourdes: Oo, Anak. GUsto ko na siya para sa iyo.
Orestes: We are on the same page, Mrs. Aranzamendez.
Alejandro: (Nakatitig kay Orestes, Sa isip) Maganda iyan, Orestes Saldana. Ayos na ayos iyan. Makakaganda sa mga plano kong makaganti sa iyo ang pagpapapasok mo sa akin sa buhay mo. Mas madali akong makakalapit sa iyo, mas madali kitang masisingil sa mga kasalanan mo sa akin!
(Matapos ang dinner na iyon ay umuwi na silang lahat. Sa bahay ng mga Aranzamendez...)
Lourdes: Magpahinga ka na, Anak. Magpapahinga na kami ng Papa mo. Lahat tayo ay napagod sa araw na ito. Pero sulit ang pagod na iyon.
Gaudencio: Wala ang pagod natin kumpara sa hirap na dinanas ni Angelico nang mawalay siya sa atin, Lourdes.
Alejandro: Wala na po iyon, Mama, Papa, ang mahalaga ay magkakasama na tayo.
(Niyakap ni Lourdes at Hinalikan si Alejandro...)
Lourdes; Good night, anak. Mahal kita. Mahal na mahal kita.
Alejandro: Mahal na mahal rin kita, Mama. (Niyakap si Gaudencio) Pap, mahal na mahal rin kita.
Gaudencio: I love you too, anak.
(Kanya-kanya na silang tungo sa kanilang mga kuwarto...)
Alejandro: Tama iyan, Orestes Saldana. Lumapit ka pa sa akin.
(Naghubad na si Alejandro, nagtapis at naligo. Habang siya ay naliligo ay naalala niya ang lahat ng kanyang sinapit sa buhay...)
Alejandro: (Nakatayo habang nakatapat sa shower) Bakit ba aalalahanin ko pa ang mga panahong mahirap pa ako? Nandito na ako sa buhay na gusto ko. May pera na ako, kaya ko nang umupa ng tao para singilin ang pumatay sa tatay ko at ang walanghiya niyang amo. Malabo na rin namang malaman ni Cheska na inagaw ko ang buhay na dapat ay para sa kanya. Saka na lang ako makokonsensya at hihingi ng tawad sa kanya kung mabubuko ako. Pero gagawin ko ang lahat para magtagal ang lahat ng ito sa kamay ko, dahil ito ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomantikHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...