Chapter 26 "Pag-ahon ng mga Kalansay sa Aparador"

30 1 0
                                    

Chapter 26 "Pag-ahon ng mga Kalansay sa Aparador"



Elvie: (Naiiyak) Cheska...

Cheska: (Umiiyak) Ate Elvie...

Elvie: Sige na, umalis ka muna, pumunta ka muna sa ibang kakilala mo, palamigin mo muna ang ulo ng Lola Young-Ae mo, nasaktan nga iyon malamang na ayaw mong maniwala sa kanya...

Cheska: Kung kailan namang handa na akong makinig sa eksplanasyon niya, pinalayas niya ako...

Elvie: Kahit ako ayokong umalis ka dito, Cheska.

[Pinulot ni Cheska ang mga gamit niya, pati na ang mga inihagis na pagkain...]

Elvie: Baunin mo muna ang mga pagkain na iyan at iluto mo kung saan ka makikipanuluyan pansamantala. Ako na ang bahala sa Tiyang. Babalitaan kita.

Cheska: Ate Elvie...

Elvie: Mag-iingat ka, Cheska.

[At tuluyan na ngang lumisan si Cheska. Habang naglalakad siya papalayo ay nakatingin lang sa kanya si Elvie, na kinalaunan ay pumasok na rin sa bahay nila. Nakakita ng Jeep si Cheska at pinara iyon at sumakay. Hanggang sa dinala siya ng kanyang mga paa kina...]

Cheska: (Kumatok) Tao po? Inay Azon?

[Agad namang lumabas si Corazon sa pintuan...]

Corazon: Cheska? Bakit may dala kang gamit?

[Walang sali-salitang niyakap ni Cheska si Corazon...]

Corazon: May Problema ba? Doon tayo sa loob.

[Pumasok sila sa loob. Samantala si Baby Ruth naman...]

Baby Ruth: (Nakahawak sa ulo, Umiiyak) Hindi ko pala nanay si Inay Erlinda? Paano nagawa sa akin ni Alejandro ang lahat ng iyon?! Sarili niya akong kapatid pero nagawa niya akong saktan at ipamigay sa ibang pamilya? Para lang mapagtakpan ang kanyang sikreto?

[Habang nagkakagulo ay naglakad si Baby Ruth palayo sa lugar ng sunog. At ang "Ina" naman niyang si Erlinda...]

Erlinda: Ruth! Ruth anak, nasaan ka na!

[Umiiyak si Erlinda habang hinahanap si Baby Ruth...]

Erlinda; Malilintikan ako kay Sir Angelico kapag naiwala ko si Baby Ruth! Kailangan kitang mahanap, anak! 

[Nagpatuloy lang sa paglalakad si Erlinda habang hinahanap si Baby Ruth. At sina Corazon at Cheska naman...]

Corazon: [Nagluluto] Bakit ka ba pinalayas ng Lola mo? ANg ganda ganda nga ng samahan ninyo. At paano ka niya palalayasin eh wala na nga sa ayos ang isip niya? Or baka pinalayas ka nya kasi nga di na niya alam ang ginagawa niya

Cheska: Ikukuwento ko ba ng detalyado?

Corazon: Nasa sa iyo.

Cheska: (Bumuntong-hininga) Sige po. Una sa lahat, pinalayas niya ako nang ayos ang lagay ng isip niya.

Corazon: Ano'ng ibig mong sabihin?

Cheska: Nakakahiya mang sabihin, pero wala talagang Dementia si Lola Young-Ae.

Corazon: (napalingon kay Cheska, Gulat) Ano kamo? Wala siyang Alzheimer's?

Cheska: Opo, Inay Azon.

Corazon: Eh ano naman ang pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon?

Cheska: Nagpakadetective, Nag-Mike Enriquez daw. Ayaw ko po kasing maniwala kay Lola Young-Ae laban sa mga paratang niya kay Alejandro.

Corazon: At bakit naman nakasali ang anak ko sa away ninyong maglola at sa pag-alis mo?

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon