Chapter 35 (Finale) "Don't Call my Name, Alejandro"
[Nakasunod sa Police Mobile ang sasakyan ng mga Aranzamendez na lulan sina Lourdes, Corazon at Baby Ruth...]
Baby Ruth: (Nag-antanda) Diyos ko, sana sumuko na si Alejandro...
[Nang natanaw nila ang Get-away Vehicle ni Alejandro na nakahinto sa tapat ng isang Riles na mayroong paparating na Tren...]
Corazon: Diyos ko, ito na nga. Ito na ang senyales na dito na magtatapos ang kasamaan ng anak ko...
[Habang si Alejandro naman na nasa loob ng kanyang Kotseng nakahinto...]
Alejandro: Hindi ako puwedeng mahuli! Bahala na! Mamatay kung mamatay!
[Pinagkatapak-tapakan ni Alejandro ang pedal ng kanyang Kotse at saka pinaharurot maski na mayroong nakapulang ilaw sa Stoplight. Pilit niyang tinawid ang Riles, kung kaya't nahagip ng Tren ang kanyang sinasakyang kotse at tuluyang nakaladkad...]
Alejandro: (Nananaghoy) AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!
[Nakita rin iyon nina Lourdes, Corazon at Baby Ruth...]
Lourdes: (Napaiyak) Diyos ko....
Baby Ruth: (Nanlaki ang mata, umiiyak) Alejandroooooooo!!!!
Corazon: (Nanlaki ang mata, Umiiyak) Alejandroooooo!!!! Anak kooooooo!!!
[Walang magawa kundi umiyak sina Lourdes, Corazon at Baby Ruth habang kinakaladkad ng Tren ang sasakyan ni Alejandro. Habang sina Cheska, Lola Young-Ae at Jade naman na naiwan sa lugar ng pinagtataguan ni Alejandro...]
Jade: Aaahhhh! ANg Tiyan ko! Ang Baby koooooo!!
Cheska: Ses, manganganak ka na ba talaga? Sure ka na ba diyan?
[Nang mapatingin sina Cheska at Lola Young-Ae sa mga binti ni Jade, at nakitang may umaagas na likido roon...]
Lola Young-Ae: Pumutok na ang panubigan niya, Cheska!
Cheska: Mamang Pulis, pakitulungan naman kami, manganganak na ang kasama namin!
Pulis: Paparating na ang rerescue sa mga sinagasaang kabaro ko, isasabay natin ang kasama ninyo para maisugod na rin siya sa ospital at maayos na makapanganak.
Cheska: Sabi ko naman kasi sa iyo, huwag ka nang sumama eh! Mapapahamak kayo ng Baby mo!
Lola Young-Ae: Ano ka ba? Bakit mo sisisihin si Jade? Kagustuhan ba niyang mapaanak ngayon?
[Hindi nga nagtagal ay dumating na ang mga Ambulansiya at isa-isang kinuha ang mga biktima ng pagkakasagasa ni Alejandro, pati na ang manganganak na si Jade...]
Cheska: Sumakay na tayo sa Ambulansiya kung saan ilalagay si Jade, Lola.
Lola Young-Ae: Oo, tara na.
[At ganoon na nga ang ginawa nina Cheska at Lola Young-Ae, sumakay sila sa Ambulansiya kung saan nailagay si Jade. Habang nasa Ambulansiya sila...]
Cheska: (Umiiyak) Sis... Tatagan mo ha? Kukunin mo akong Ninang ng anak mo, 'di ba?
[Hinawakan lamang ni Jade ang kamay ni Cheska...]
Jade: Kapag nawala ako... Kunin mo ang anak ko...
Cheska: Tigilan mo! Anong Larusso na naman iyan? Hindi magandang laro iyan! Manganganak ka, hindi ka mamamatay!
Jade: Ramdam ko... Hindi na ako magtatagal...
Lola Young-Ae: Huwag mong sabihin iyan, Jade...
[HIndi nga nagtagal ay nakarating na sila sa ospital. Ibinaba si Jade at idiniretso ang kinahihigaan niyang stretcher sa Emergency Room. Binalak sumunod nina Cheska at Lola Young-Ae pero hinarang agad sila ng mga staff ng Ospital...]
BINABASA MO ANG
Alejandro
Lãng mạnHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...