Chapter 29 "Nawawalang Pruweba"

38 1 0
                                    

Chapter 29 "Nawawalang Pruweba"



[Isang gabi, nasa balkonahe ng kanilang bahay si Alejandro at umiinom ng alak...]

Alejandro: (Sa isip) Hindi puwede! Kailangang mahanap ko kung saang DNA Testing Center nagpagawa ng DNA Test si Cheska! Hindi ako makakapayag na mawala ang lahat ng pinaghirapan ko!

[Lalapit naman sa kanya si Jade na medyo nahihirapan maglakad gawa ng kanyang lumalaking tiyan sa pagbubuntis...]

Jade: Love? Hindi ka pa ba matutulog? Gabi na oh.

Alejandro: Pasensya na, hindi ako makatulog talaga, kaya nagpapaantok ako gamit ang alak. Ikaw ang matulog na dahil makakasama iyan sa Baby natin.

[Niyakap ni Jade si Alejandro...]

Jade: Love...

Alejandro: Bakit, Love?

Jade: Ano ang ipapangalan natin sa anak natin?

Alejandro: That's a no-brainer question. Of course Angelico Aranzamendez Jr., kung lalake siya. At Angelika kung babae.

[HInalikan ni Alejandro sa noo si Jade...]

Alejandro: (Sa isip) Nakakainis! Bakit ba kasi nabuntis ko itong anak ng Kriminal na ito! Wala ito sa plano eh!

[Magkayakap lamang sila hanggang sa inaya na muli ni Jade na pumunta sa kama si Alejandro. Sumama naman si Alejandro. Kinabukasan naman, sa lugar nina Cheska...]

Alejandro: (Hinila si Cheska) Halika nga rito!

Cheska: (Pumipiglas) Ano ba! Nasasaktan ako!

Alejandro: Masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo sinabi sa akin kung saang DNA Testing Center mo ipinadala ang buhok ni Mama Lourdes!

Cheska: Mama Lourdes? Naririnig mo ba ang sarili mo?

Alejandro: Sasabihin mo sa akin ang DNA testing center na pinagdalhan mo o masasaktan ka?!

Cheska: At talagang iniisip mong sasabihin ko kung saan ko dinala ang DNA Samples namin ng (Nagsign ng panipi) Nanay mo?

[Akmang susuntukin ni Alejandro si Cheska pero inilapit pa ni Cheska ang mukha niya...]

Cheska: Sige! Suntukin mo ako ulit! May pasa na ako sa kanan, lagyan mo pa sa kaliwa para pantay na!

[Hindi na nakakibo si Alejandro at ibinaba ang kanyang kamao...]

Cheska: Ni hindi man lang kita naringgan na mag-sorry sa lahat ng ginawa mo sa akin! Kung pera ko lang ang habol mo, sa'yong sayo na ang kayamanan ko, kung sakaling sina Ma'am Lourdes nga ang tunay kong mga magulang! Pero Alejandro, higit pa doon ang klase ng pananakit na ginawa mo sa akin! Inagaw mo sa akin ang nag-iisang piraso ng buhay ko na ang tagal ko nang hinahanap! Ikaw pa na minahal ko ang gumawa sa akin ng ganoong katrayduran!

Alejandro: Tama na ang Drama mo! Kung hindi mo ibibigay sa akin ang DNA testing center na pinagdalhan mo ng mga specimen, Fine! Nakalimutan ko, mayaman nga pala ako, kaya kong ipahanap iyon! Pero isa lang ang sisiguruhin ko sa iyo, hinding hindi mo maaagaw sa akin ang pagiging Angelico Aranzamendez!

[Iniwan ni Alejandro si Cheska. Tumungo na lang si Alejandro sa kanyang kotse at pinaharurot iyon, at naglakad na lang si Cheska papasok sa kanilang lugar. Samantala, sa opisina naman ni Lourdes...]

Lourdes: Chief, kita naman sa CCTV Footage na bigla na lang akong sinabunutan ng matandang iyon. Gusto ko na maturuan sila ng leksyon para tantanan na nila ako at hindi na sila magpakita pang muli sa akin at sa pamilya ko, para hindi na sila makapanggulo.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon