Chapter 3 "Ang Unang Pagtatagpo nina Alejandro at Angelico"

140 2 0
                                    

Chapter 3 "Ang Unang Pagtatagpo nina Alejandro at Angelico"


(Galing sa labas ay pumasok si Cheska na maraming bitbit...)

Cheska: Nandito na ako, Lola!

(Sinalubong siya ni Lola Young-ae na mayroong hindi mabitawang bagay sa kanyang kamay...)

Cheska: Lola, hindi mawawala iyang Lightstick ng BTS kapag binitawan mo. At paano mo ako tutulungan sa mga bitbit ko kung hindi mo iyan bibitawan?

Lola Young-Ae: Paano ko naman ito bibitawan, apo, eh ito ang pinakamahal na Gift mo sa akin? (Inilapag ang Lightstick sa Mesa) Pero sige, bibitawan ko na po!

(Kinuha ni Lola Young-Ae ang mga bitbit ni Cheska at dinala sa Kusina...)

Lola Young-Ae: Teka bakit maaga ka?

Cheska: Nag-halfday po talaga ako para makapagluto ng handa natin ngayong Piyesta, tsaka may nagrerequest ng luto kong Carbonara diyan sa kabilang eskinita. Binayaran naman ako sa Labor ng Luto at rekado.

Lola Young-Ae: Teka,sandali lang...

(Kumuha ng Chopstick si Lola Young-Ae at isinuksok sa kanyang buhok, at isinuot ang Apron...)

Lola Young-Ae: Ano, Ayos ba?

Cheska: Lola talaga. At talagang paninindigan mo ang pagiging Young-Ae ngayong araw ha? Jewel in the Palace lang? 

Lola Young-Ae: Simulan na natin ang pagluluto...

Cheska: Opo, Lady  Young-Ae

(Sinimulan na nga ng Maglola ang pagluluto ng kanilang handa para sa Piyesta. Samantala si Alejandro naman na nasa labas at nakikipag-inuman...)

Marty: Pare, kanina ka pa patayo-tayo diyan ah?

Alejandro: May hinahanap lang ako.

Marty: Dayo lang tayo dito sa Tondo, Umayos ka!

Alejandro: Ano'ng umayos ang sinasabi mo diyan? Babae ang hinahanap ko!

Marty: Babae na naman?

Alejandro: Ang ganda niya, Pare!

Marty: Ewan ko sa'yo, ginagawa mong istasyon ng LRT ang lahat ng lugar na mapuntahan mo, lahat ng lugar na mapuntahan mo may babae kang nilalandi!

Alejandro: Eh aanhin ko naman itong mukha ko kung hindi ako aaligid sa mga babae?

Marty: Tara na, Pre, Balik ka na sa Table natin! 

(Hinila ni Marty si Alejandro, at wala nang nagawa ang huli. Pagbalik nila doon ay hindi mapakali si Alejandro, palinga-linga sa paligid...)

Marty: Lasing ka lang siguro kaya nakita mo yung babae na iyon. Kita mo hindi mo na nakita ulit! (Inabutan ng tagay si Alejandro)

Alejandro: P're, hindi ako lasing, trust me, makikita natin siya! (Nilagok ang iniabot ni Marty)

Dan: Namamatanda na yata yang isang yan! Pauwiin na! Hahahaha!

Laurence: Pre, magtira kang pang-uwi mo ha? Ang Alak, sa Tiyan ang lagay ha, tapos iiihi ha? Hindi sa Utak!

(Habang pinagtatawanan ng mga nasa inuman si Alejandro ay nakatapos nang makaluto si Cheska...)

Cheska: Lola Young-Ae, Sure ka na ba dito? Pasta Dish na nakalagay sa Korean-Style na lalagyan?

Lola Young-Ae: Naririnig mo bang magreact yung tupperware? Minumura ka ba? Hindi naman diba? Palag na yan! Ang mahalaga masarap ang laman!

Cheska: Sige na nga, Lola. Dadalhin ko na ito doon sa nagpaluto.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon