Chapter 4 "Ang Manliligaw ni Cheska"
Cheska: Sigurado ka na ba diyan?
Alejandro: Ano ba ang tawag mo dito?
Cheska (Tinanggap ang iniaabot ni Alejandro) Sige na nga, salamat dito ah.
Alejandro: Nasaktan naman ako doon, parang napilitan ka ah.
Cheska: Grabe ka naman, hindi naman ako napilitan, hindi ko lang inexpect na dadalhan mo ako ng lunch. Ang lakas makababae ng ginagawa mo.
Alejandro: Para sa akin babae ka, Cheska.
Cheska: Tara, doon tayo sa loob ng Parlor, Lunchtime naman.
(Pumasok sina Alejandro at Cheska sa Parlor...)
Trixie: Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang bakla, kahit sa trabaho, lumalandi.
Cheska: Lunch Break ngayon. OK lang na lumandi ako.
Trixie: At in fairness sa lalakeng kasama mo, Guwapo, Borta, Mukhang Mabango!
Cheska: Ay nga pala, Alejandro, si Trixie. Trixie, si Alejandro.
(Unang iniabot ni Alejandro ang kanyang kamay kay Trixie. Kinamayan naman ni Trixie si Alejandro...)
Trixie: Saan mo naman nakilala iyong friend ko, Pogi?
Alejandro: Dayo kami sa inuman sa lugar ninyo sa Tondo, nung Piyesta ng Santo Niño, doon ko siya nakilala.
Trixie: So ikaw pala ang dahilan ng pagngiti ng malanding hitad na ito?
Cheska: Trixie, baka nakakalimutan mong tinidor ang hawak ko?
Trixie: Sige na kumain na kayo diyan.
Alejandro: Anong oras ang out mo dito sa parlor?
Cheska: Mga 5PM, Bakit?
Alejandro: Ah, wala naman. Pagkakain mo, aalis na ako. Gusto ko lang makitang kinakain mo ang dala kong pagkain.
Trixie: Ay nako, Alejandro, hindi na magtutoothbrush iyan, para lagi niya malalasahan ang pagkaing ipinakain mo sa kanya!
Cheska: Yuck, Trixie! You're so gross!
Trixie: Ano'ng gross? Gross na Kadiri o Gross na Kabuuang Kita? Pakiclarify please!
(Nakita ni Alejandro na may kanin pa sa gilid ng labi si Cheska kaya naman tinanggal niya ito...)
Cheska: Uy, ano ba, bakit ka ganyan?
Alejandro: Bakit, bawal ba ang ginagawa ko? Masama ba?
Cheska: Halos kakakilala pa lang natin.
Alejandro: So?
Cheska: Ano'ng So?
Alejandro: Basta, magmula sa araw na ito, mag-expect ka na palagi kong gagawin ito.Cheska: bakit nga?
Alejandro: Malalaman mo rin balang araw.
(Ngingitian lang ni Cheska si ALejandro na nakatitig at nakangiti rin sa kanya. Nakaismid naman si Trixie sa naglalambingang sina Alejandro at Cheska. Samantala si Corazon naman ay kausap sa Video Call si Baby Ruth...)
Baby Ruth: (Kabilang Linya) Kumusta diyan sa Palengke, Inay?
Corazon: (Nagliligpit) Heto, maghahawan-hawan muna ako at manananghalian.
Baby Ruth: Eh si Alejandro, Kumusta ang Pag-aaral niya?
Corazon: Ah... Eh...
Baby Ruth: bakit, Inay? May Problema ba kay Alejandro?
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...