Chapter 10 "Angelico Aranzamendez"

122 2 0
                                    

Chapter 10  "Angelico Aranzamendez"



Lourdes: Hindi ako nagkamali, ikaw nga ang anak ko!

(Bumitaw si Lourdes sa pagyakap kay Alejandro...)

Lourdes: (Hinawakan ang mukha ni Alejandro) Anak ko... Angelico...

Alejandro: Mama! Hindi ako makapaniwala na kaharap na kita! Napakatagal na panahon kitang gustong makita, gustong madama na may nanay ako!

(Lumapit muli si Gaudencio kay Alejandro at yumakap...)

Gaudencio: Anak, nawawalan na kami ng pag-asa na makikita ka pa namin! Ikaw na nga ang anak namin, nagbalik ka na nga, at hindi nagsisinungaling ang DNA Test Result na ipinagawa namin!

(Puno ng emosyon ang opisina nang mga oras na iyon...)

Lourdes: Babawiin ko ang lahat ng mga oras na hindi kita nakasama, anak. Pangako ko iyan!

Gaudencio: Ano ba ang mga paborito mong pagkain, anak?

Lourdes: Ako ang dapat nagtatanong niyan, Gaudencio. Inunahan mo ako. Nanay ang unang nagtatanong ng ganyan!

Gaudencio: Pasensya na, naexcite ako sa pagbabalik ng anak natin.

Alejandro: Wala naman po yatang hindi naeexcite sa ating lahat na magkakasama na tayo muli?

Lourdes: Sabagay, may point ka.

Gaudencio: Maaga tayong umuwi, para makapagluto tayo, espesyal ang dinner na ito.

Lourdes: Oo, sobrang espesyal nito, at dapat tayong magcelebrate.

Gaudencio: Tara na?

(At sama-sama nga silang lumabas ng Opisina...)

Alejandro: (Sa isip) Ito na ang simula ng buhay ko bilang Angelico Aranzamendez!

(Samantala, sa bahay naman ng mga Saldana...)

Jade: Papa, kumusta na kaya yung sumagip sa akin?

Orestes: Yung lalake?

Jade: Opo, Pa.

Orestes: Ni hindi nga natin nakuha ang pangalan niya. Para mapasalamatan man lang.

Jade; He is such a Gentleman, Pa.

Orestes: Iba-iba man ang mga lalake, magkakaisa kami na iligtas ang isang babaeng hinaharass ng iba.

Jade; That's why I like him.

Orestes: Like agad? Napakabilis naman 'ata?

Jade: Papa naman, hindi naman yung like na infatuation agad. Basta magaan lang ang loob ko sa kanya.

Orestes: Alam mo, ipagpatuloy mo na lang ang pagkain mo.

(At kumain na lamang ang mag-ama. Habang sa mansyon ng mga Aranzamendez naman...)

Tessie: (Sinalubong sina Lourdes, Gaudencio at Alejandro) Ma'am, bakit ang dami ninyong Grocery? Namili na ako!

Lourdes: Tulungan mo ako, Ate Tessie, Espesyal ang gabing ito. Dito magdidinner si Angelico.

Tessie: (Nakatingin kay Alejandro) Siya? Si Angelico?

Gaudencio: Oo, Ate Tessie. Ngayon lang namin nakumpirmang siya nga ang nawawala naming anak!

Lourdes: Ate Tessie, tulungan mo akong magluto sa Kusina. Hindi puwedeng hindi ko ipagluluto ang aking anak. Napakatagal niyang nawala sa piling ko.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon