Chapter 30 "Anay sa Pangarap ni Alejandro"
[Habang naroon pa sa Evacuation Center sina Baby Ruth at Cheska ay biglang nagdatingan ang mga Pulis...]
Pulis: Nandito ba ang pamilya ni Erlinda Dizon?
Baby Ruth: Ako, anak ho ako.
Pulis: Ikinalulungkot ho naming ibalita sa inyo na natagpuan pong palutang-lutang ang bangkay niya sa dagat, mukhang inanod iyon. Nasa Early Decomposition Stage na ang katawan niya kaya kinakailangan nang mailibing. (Iniabot ang isang Wallet) Diyan po namin nakuha ang pagkakakilanlan ng labi, kaya po namin kayo tinunton ngayon.
Cheska: Diyos ko, Ate Baby Ruth... Wala na si Aling Erlinda...
Baby Ruth: Diyos ko... (Bumaling sa mga Pulis) Pumunta na po tayo sa Morgue. Gusto kong makita ang Inay Erlinda ko.
[Agad na nga silang tumulak papunta sa Morgue na pinaglalagakan ng Bangkay ni Erlinda. Pagdating nila doon...]
Staff: (Binuksan ang Zipper ng Cadaver Bag) Yung damit po, siya nga po ba iyan? Pag-aari niya ang damit?
Baby Ruth: (Umiiyak) Siya nga po.
Staff: (Isinara ang Cadaver bag) Maisasuggest ko po sa inyo, i-cremate na ang katawan niya ora mismo, kasi sobrang nabubulok na.
Baby Ruth: HIndi. Libing ang gusto ko.
[Nang araw ring iyon ay inilibing na nga ang katawan ni Erlinda...]
Pari: (Binabasbasan ang kabaong ni Erlinda) Ngayong-araw na ito, amin nang ihahatid sa inyo at isasauli, ang aming kapamilyang si Erlinda Dizon. Ipinagpapasalamat namin ang kanyang buhay na ipinahiram ninyo sa amin, sa ngalan ng ama, at ng anak, at ng espiritu santo, Amen...]
[Kinuha ni Baby Ruth ang Agua Bendita at ibinasbas sa Kabaong ni Erlinda. Sumunod na nagbasbas ay si Cheska. Matapos iyon ay ipinasok na sa nitso ang Kabaong ni Erlinda at tinakpan na nga ng Semento ang kanyang huling hantungan. Habang sa bahay naman nina CHeska...]
Pulis: Magandang Araw ho? Nandiyan po ba si Gregoria Soriaga?
Lola Young-Ae: Ako nga ho, bakit ho?
Pulis: Iserve ang Warrant of Arrest, Men. Gregoria Soriaga, Ikaw ay inaaresto sa salang Slight Physical Injuries at Grave Coercion. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito?
Lola Young-Ae: Diyos ko... Wala akong ginagawang masama!
Elvie: Tiyang...
Lola Young-Ae: Huwag ninyo akong huhulihin!
Pulis: Sumama na lamang po kayo. Wala naman po kaming gagawing masama sa inyo. Men, Posasan na siya.
[At pinosasan na nga si Lola Young-Ae ng mga pulis...]
Lola Young-Ae: Matanda na ako, wala akong ginagawang masama... Wala akong nakakaaway o kung ano pa man...
Elvie: Tiyang... Teka sasama ako! Kailangan nandoon ako!
[At tuluyan na ngang sumama sa pulis sina Lola Young-Ae. Samantalang si Alejandro naman na pumunta sa lugar nina Erlinda...]
Alejandro: Magandang araw ho, kilala ninyo ho ba si Erlinda Dizon?
Evacuee: Ay si Aling Erlinda? Hala, nahuli ka!
Alejandro: Nahuli?
Evacuee: May dumating na mga pulis dito, natagpuan daw na bangkay sa dagat, at si Aling Erlinda daw iyon, kaya pumunta doon ang anak niya, si Ruth.
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...