Chapter 28 "Bawiin ang lahat kay Alejandro"
Lourdes: Ano'ng kalokohan ito? Pagkatapos mong nakawan ako at ang pamilya ko, nanakawan mo naman ng pagkatao ang anak kong si Angelico?!
Cheska: (Umiiyak) Ma.. Pa.. Ako ang anak ninyo. Kayo ang magulang na ang tagal ko nang hinahanap!
Gaudencio: Lalake ang nawala kong anak! Hindi Babae, at lalong hindi Binabae!
Lourdes:Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang mga pinagsasabi mo? Why are you so obsessed on entering and ruining my family?!
Cheska: Ninakaw ng lalakeng iyan ang pagkatao ko! Ako ang tunay na may-ari ng Kuwintas na ipinakita niya sa inyo! Ako, si Angelico!
Baby Ruth: Kapatid ko ang nagpakilalang anak ninyo! Ang tunay niyang pangalan ay Alejandro Perez Jr.!
Lourdes: Sandali, ano ito?! Bakit alam ninyo ang kinalakihang pangalan ng anak ko? Bakit kanina ninyo pa binabanggit ang pangalang Alejandro Perez Jr.?
Baby Ruth: Baby Ruth Perez ang tunay kong pangalan, at kaya niya ako ipinaECT hindi para trauma ang mawala sa akin kundi ang ala-ala ko, dahil nalaman kong ang kapatid ko ay nagnakaw ng pagkatao ng iba para lang yumaman!
Lourdes: Bakit parang tinatabunan ninyo kami ng ridiculous ideas?! Paano ka nabrainwash ng baklang ito, Ruth?! (Bumaling kay Cheska) Ano ito, tiniktikan mo talaga kami, bago mo kami nakawan, and all of these stuff? (Lumapit at inalog si Cheska) Ano pa ang nalalaman mo sa pamilya ko! SUmagot ka!
Baby Ruth: Pawang katotohanan lamang ang sinasabi ko, Ma'am Lourdes!
Alejandro: Tapos na kayo? Sige, ako naman! Unang una, hindi ko kayo kilala! Pangalawa, Wala akong alam sa mga pinagsasasabi ninyo! Puwede na kayong umalis! Layas!
(Lumapit si Jade at sinampal si Cheska...]
Jade: That's what you get for being a thief!
Cheska: Masyado pang mahina ang sampal mo, kasi alam ko pa rin na buntis ka. Ulitin mo, lakasan mo, yung tipong makakalimutan kong buntis ka, para masampal rin kita!
(Walang sali-salitang sinuntok ni Alejandro sa mukha si Cheska. Napasadlak sa sahig si Cheska, ngunit tumayo rin agad. Gumanti siya ng suntok kay Alejandro. Nagsuntukan ang dalawa...)
Cheska: Hayop ka! Minahal kita tapos ito ang makukuha ko sa iyo! Lolokohin mo ako! Kung gusto mo sa'yong sa 'yo na ang pera ko pero hindi ang pagkatao ko!
Alejandro: HIndi ako papayag na saktan mo ang asawa ko! Ikaw na sinungaling na bakla ka,pagkatapos mong nakawan ang pamilya ko at ang pamamahay ko, aasta kang ganyan ngayon?!
[Hinila ni Gaudencio si Alejandro palayo. Matapos noon ay sinampal naman ni Gaudencio si Cheska...]
Gaudencio: Para matauhan ka! Hindi kita anak!
Cheska: Eh di magpaDNA Test tayo nang magkaalaman!
Alejandro: Hindi na kailangan! NagpaDNA Test na ang mga magulang ko at ako, nagmatch kami!
Lola Young-Ae: Hindi ko alam kung anong kadimonyohan o kung anong ritwal ang ginawa mo noong Biyernes Santo o Undas para magmatch ang mga DNA, pero isa ang sigurado ako, puwedeng ulitin iyon!
Alejandro: Tanda, huwag kang makialam dito, kung sino ka man!
Corazon: (Umiiyak) Diyos ko, hindi na kita makilala, Alejandro, anak ko...
Alejandro: Ako rin, hindi ko kayo kilala. Lahat kayo! (tumuro kina Cheska) Hindi ko kayo lahat kilala! Wala akong alam sa mga sinasabi ninyo! Mag-isa lang akong nabuhay sa loob ng sampung taon, matapos mamatay ang tatay-tatayan ko!
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...