Chapter 15 "Ang Kapalit ng Buhay ni Orestes"

43 1 0
                                    

Chapter 15 "Ang Kapalit ng Buhay ni Orestes"



(Nakikita ni Alejandro na papalapit sa kanya ng mga tao...)

Alejandro: (sa isip) Mga buwisit kayo, ang tagal naman ninyong respondehan ako, nakikita ninyong napuruhan ako! Gustong gusto ko nang magpasugod sa ospital!

(Pero patuloy lamang ang paglalakad ni Alejandro ng paika-ika pasalubong sa mga taong sumasalubong sa kanya...)

Alejandro: (Naglalakad ng iika-ika) Tulong! Tulungan ninyo ako!

(Sinalubong si Alejandro ng mga taong nakarinig sa kanyang panaghoy....)

Usiyoso 1: Ay diyos ko, bakit ganiyan ang itsura mo?

Usiyoso 2: Kuya, ano'ng nangyari sa iyo?

Usiyoso 3: Tumawag kayo ng Pulis at Ambulansiya!

(Hanggang sa tuluyan nang nawalan ng malay si Alejandro at tumumba, dahilan para lalo siyang pagkaguluhan ng madla. Matapos ang pangyayaring iyon ay agad na naireport iyon kina Lourdes...)

Chief: (May kausap sa Telepono) Ano? Sigurado na ba kayo diyan?! OK, Copy.

Lourdes: Chief, ano'ng balita?

Chief: May isang lalakeng sugatang palakad-lakad daw ang natagpuan sa Bulacan. Bugbog-Sarado daw. Nakapangkasal.

Jade: Yung Papa ko ba iyon o si Angelico?

Chief: Nakababata, kaya posibleng si Angelico Aranzamendez ang nakita.

Jade: Paano si Papa?!

Chief: Siya ang hindi pa nakikita. Si Angelico Aranzamendez ay isinugod sa isang ospital rin sa Bulacan. Puwede na rin nating puntahan.

Gaudencio: Puntahan na natin ang anak ko!

(Agad ngang pinuntahan nina Lourdes at ng mga Pulis si Alejandro sa ospital kung saan siya sinugod. Pagdating doon...)

Lourdes: (Patakbong pinuntahan si Alejandro, Umiiyak) ANgelico! Anak ko!

(Lumapit rin sina Gaudencio, Jade at ang Chief of Police...)

Gaudencio: Angelico, Anak...

Jade: (Umiiyak) Love, Ano'ng ginawa nila kay Papa? Nasaan si Papa? Bakit hindi mo siya kasama?

Alejandro: (nanghihina) Mama... Papa... Jade...

Lourdes: Anak, bakit ka naman nila ginanyan?! Diyos ko hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa anak ko!

Alejandro: Jade... Dalawa dapat kami ni Tito Orestes na tatakas.  Kaso nahuli kami ng mga Kidnappers. Si Tito Orestes ang dinaklot nila. Pinilit ko na lang tumakas kahit na binugbog nila ako. Kung ilang araw kaming nawala, yun rin ang ilang araw na wala kami ni tubig sa sikmura namin. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari.

Gaudencio: Diyos ko, nasaan na kaya si Orestes?

Police 1: Chief.

(Lumingon ang Hepe ng mga Pulis sa tumawag sa kanya na kabaro. Sumaludo ang mga Pulis sa kanilang Hepe...)

Police 1: Karumal-dumal ang ibabalita namin sa iyo, Hepe.

(Napalingon si Jade sa mga Pulis...)

Police 2: May natagpuang nakataling bangkay sa isang abandonadong factory sa Bulacan. Sa inisyal naming imbestigasyon, nakakita kami ng traces ng Arsenic sa paligid. Unfortunately ay matatalino ang gumawa nito. Wala kaming nakuhang fingerprints. Nakagloves sila nang ginawa nila ang krimen.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon