Chapter 24 "Lutang na mga Rebelasyon"
[Pagdating sa Presinto...]
Cheska: (Umiiyak) Wala po akong ginagawang masama...
[Nakasunod sa kanya sina Lourdes, Jade at Gaudencio. Iniharap naman ng mga pulis ang nahuling suspek kay Cheska...]
Pulis: Oh, ngayon, kilalanin mo itong taong himuli namin. SIya ba ang isa sa mga kasabwat mo sa panloloob at pagnanakaw sa bahay ng mga Aranzamendez?
Suspek: Siya nga! Si Angelico Soriaga! Alyas Cheska!
Cheska: Pinagsasabi mong chararat ka?! Ngayon lang ako nakakita ng kasingpangit mo sa buong buhay ko! (BUmaling sa mga Pulis) Mamang Pulis, ngayon ko lang po nakita ang talipandas na iyan, hindi ko po knows ang lalakeng iyan!
Suspek: Anong hindi mo ako knows? Sinabi mo nga sa akin na ikaw ang papalit sa Make-Up artist kaya sinabihan mo akong titiktikan mo ang bahay ng mga Aranzamendez at saka ko nanakawan habang inaayusan mo sila!
Cheska: At bakit mo alam ang mga transaksyon ko? Bakit mo alam na memake-up-an ko sila?
Suspek: Siyempre sinabi mo sa akin!
Cheska: (HUmarap kay Lourdes) Ma'am Lourdes, hindi po totoo ang sinabi niya! Wala pong katotohanan ang sinasabi ng lalakeng ito! Hindi ko alam kung bakit ako ang idinidiin niya!
Lourdes: (Sinampal si Cheska) Walanghiya ka! Hayop ka! Ano pa ba ang hindi kasinungalingan sa katawan mo, bukod sa peke mong pagkababae!? Ha!?
Jade: How could you do this to us?!
Lourdes: No, Jade, hayaan mong ako na lang ang magalit sa kanya. Buntis ka.
[Pinagsasampal ni Lourdes si Cheska, at initsa sa sahig. Walang magawa si Cheska kundi ang umiyak....]
Pulis: (Inaawat si Cheska) Ma'am tama na po...
Lourdes: (Hinagisan ng pera ang Pulis) Ayan ang suhol ko sa iyo, huwag mo lang akong awatin para saktan ko ang walanghiyang imoral na ito!
Cheska: (Umiiyak) Ma'am Lourdes...
Lourdes: Nakahanda pa naman akong tulungan ka para sa Lola mong may malubhang sakit, tapos ganyan ang gagawin mo sa akin?! Walanghiya ka!
Gaudencio: Gawin ninyo ang lahat para makulong ang taong ito! Masahol pa sa hayop! Hindi magtrabaho ng marangal, mas pinili pang magnakaw!
Pulis: Narecover namin ang isang cellphone na naglalaman ng COnversation daw nila. Gagamitin namin sa imbestigasyon.
Cheska: Cellphone?!
Suspek: Makikita po ninyo diyan ang conversation naming dalawa ng Cheska na iyan!
Cheska: Ikaw, ang laki laki ng katawan mong magnanakaw ka, Di ka magtrabaho ng maayos! At ngayong nasakote ka, ako naman ang idadamay mo sa kalokohan mo!
Lourdes: Tigilan mo ang drama mo, Angelico! Angelico pa man din ang pangalan mo pero isa kang Dimonyo! BUti na lang at hindi ikaw ang nawawala kong anak, dahil siguradong pagnanakawan mo rin ako, para lang tustusan ang panlalalake mo!
Cheska: (Sinampal si Lourdes) Wala kang karapatang insultuhin ako! Kahit nakaposas ako, dadampi sa mukha mo ang mga palad ko kapag hindi ka tumigil!
Lourdes: What the hell are you doing?! Ikulong ninyo ang baklang ito! Isa kang malaking kahihiyan sa LGBT Community! Magnanakaw! Mabulok ka diyan! Umalis na tayo!
[Naiwan si Cheska at ang nahuling "Suspek"...]
Cheska: (Sinampal ang Suspek) Kapag nakawala ako dito, hahanapin kita at ako mismo ang tatadtad sa iyo ng pino na parang paminta!
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...