ALEJANDRO
Original Story and Format by Chantal Pinero
Genre : Drama, Romance, Telenovela, Makjang
Synopsis:
Nag-iisang anak na lalake sa pamilya si Alejandro (Kelvin Miranda) kaya naman lumaki siya sa luho na ibinigay ng kanyang magulang na sina Corazon (Sylvia Sanchez), Alejandro Sr. (Rey "PJ" Abellana) at ate na si Baby Ruth (Dimples Romana), ngunit ang masagana niyang buhay ay nagbago nang mamatay ang haligi ng tahanan at dahil sa nakaranas siya ng hirap, natanim sa isip niya ang kahalagahan ng Pera, at Pera at Kagandahan ang nagpapatakbo sa mundo, kaya pagsapit niya ng Senior High School ay natuto siyang magbenta ng laman, at ginamit ang gandang-lalake para manghuthot sa mga kinakarelasyon niya upang maipangtustos sa kanilang pangangailangan sa araw araw lalo na sa kanyang mga Kapritso. Hanggang sa nakilala at naging girlfriend ni Alejandro ang Transwoman na si Cheska (Martin del Rosario) na ang tunay na pangalan ay Angelico, na lingid sa kaalaman ng lahat ay napulot at iniligtas lamang pala ni Lola Gregoria/Oyang/Young-Ae (Odette Khan) sa isang nasunog na ospital. Nang malaman ni Alejandro na ang tunay na mga magulang ni Cheska/Angelico ay ang mayamang mag-asawang Aranzamendez sina Lourdes (Jean Garcia) at Gaudencio (Ariel Rivera) ay si Alejandro ang nagpakilalang Angelico. Ginawa ni Alejandro iyon upang singilin si Orestes Saldana (Juan Rodrigo) sa pagkamatay ni Alejandro Sr., at magagawa lamang iyon ni Alejandro gamit ang yaman ng mga Aranzamendez. Nilinlang ni Alejandro si Orestes sa pamamagitan ng "panliligaw" at "pagpapaibig" sa anak ng huli na si Jade Saldana (Shaira Diaz). Hanggang saan dadalhin si Alejandro ng kanyang galit? Ano ang magiging reaksyon ni Cheska kapag malaman niyang ang lalakeng kanyang iniibig ay inagaw pala ang buhay na dapat ay para sa kanya? Paano naman kapag nalaman ni Jade na pinaibig lang siya ni Alejandro para maghiganti kay Orestes? Matatanggap kaya nina Lourdes at Gaudencio ang panloloko sa kanila ni Alejandro? At maitutuwid pa ba nina Corazon at Baby Ruth ang mga pagkakamali ni Alejandro?
Starring:
Kelvin Miranda bilang Alejandro Perez Jr./Fake Angelico Aranzamendez - Hindi man mayaman ay ibinigay ng kanyang Pamilya ang lahat ng kanyang kailangan at gusto, kaya nang makatikim ng hirap at pagsubok ay nangako sa sarili na gagamitin niya ang kanyang Kaguwapuhan para yumaman, kahit pa sa maling paraan.
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...