Chapter 9 "Ang Tuluyang Pag-agaw"

129 3 0
                                    

Chapter 9 "Ang  Tuluyang Pag-agaw"


Lourdes: (Lumuluha) Bakit mo hawak iyan? Bakit nasa iyo iyan?

Alejandro: 10 years old ako nung ibinigay ito sa akin ng tatay ko. Siya lang ang kasama ko sa buhay noong lumalaki ako. Ipinagtapat niya sa akin noon na nakuha niya ako sa isang Ospital dahil nagkakagulo daw noon, mayroon daw hinostage at pinasabog ang Ospital.

(Nakatingin lamang sina Gaudencio at Lourdes kay Alejandro na nagkukuwento...)

Alejandro: (Umiiyak) At iyon nga, ipinagtapat niya sa akin na nakuha niya lang ako, at isinunod niya na lang sa pangalan niya na Alejandro Perez ang pangalan ko, pero nang ibinigay niya sa akin ang Kuwintas na ito ay sinabi niya sa akin na hanapin ko raw ang tunay kong magulang na maaaring Angelico ang ipinangalan sa akin. (Humagulgol) Kaya po pala niya iyon sinabi sa akin ay kukunin na pala siya sa akin, namatay ang tatay ko at nasagasaan ng truck.

(Tatlo nang nag-iiyakan sina Lourdes, Gaudencio at Alejandro...)

Alejandro: Halos sampung taon na akong namumuhay nang ganito. Lahat na yata, Legal o Ilegal, pinasok ko, may maipasok lang ako sa tiyan ko. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ibenta o isangla ang kuwintas na ito.

(Pinunasan ni Alejandro ang luha sa kanyang mga mata at mukha...)

Alejandro: Noong gabing iniligtas ko si Ma'am Lourdes sa tangka niyang pagpapakamatay, nagulat ako sa mga sinabi niya. Nawala ang anak niya sa Hinostage at Sumabog na Ospital, sa ganoong paraan daw ako napulot ng tatay ko. May Kuwintas na Angelico ang Pendant ang anak ni Ma'am Lourdes, mayroon akong kuwintas na Angelico ang pendant na ibinigay naman sa akin ng Tatay Alejandro ko.

Lourdes: Anak ko...

Gaudencio: Ikaw na ba si Angelico, Anak?

(Kinuha ni Alejandro sa kanyang bag ang toothbrush ni Cheska na nakabalot sa Ziplock Plastic...)

Alejandro: (Iniabot ang Nakaplastik na Toothbrush kina Lourdes at Gaudencio) Ito lamang ang makapagsasabi. Gusto ko kayo mismo ang kumupirma. Kayo ang magpaDNA Test sa sample ko. Pero ayokong umasa na kayo ang aking tunay na magulang. Suntok sa buwan iyon.

Lourdes: (Humahagulgol) Hindi. Huwag mong sabihin iyan. Paano nga kung ikaw ang anak kong matagal ko nang hinahanap? (Bumaling kay Gaudencio) Gaudencio, paano kung siya na nga ang anak natin?

Alejandro: Kayo na po ang bahala sa DNA ko. Tawagan ninyo na lang po ako para sa resulta.

(Tumayo si Alejandro at tangkang aalis sa Opisina ni Lourdes. Hinabol siya ni Lourdes at niyakap...)

Lourdes; Diyos ko, sana nga ay ikaw na ang anak ko. Sana nga ay ikaw na si Angelico...

(Napayakap na rin si Alejandro kay Lourdes. Nakatingin lang sa kanila si Gaudencio na lumuluha rin...)

Alejandro: Sana nga po. (Bumitaw sa yakap ni Lourdes at inilabas ang isang papel na may nakasulat na number) Diyan ninyo po ako tawagan anuman ang resulta ng DNA Testing.

(Nakatingin lamang sina Gaudencio at Lourdes  habang tinitingnan si Alejandro na umaalis ng kanilang opisina. Nang makalayo na si Alejandro sa Building ng mga Aranzamendez ay tumingin siya doon...)

Alejandro: And the Best Actor award goes to... dan dan dan dan... Alejandro Perez Jr.! Sa sandaling magpositive ang resulta ng DNA test, Akin na ang mundo, mabibili ko na ang lahat, maigaganti na kita, Itay.

(Isang Ngising Demonyo ang pinakawalan ng kanyang labi at gumuhit sa mukha...)

Alejandro: Saka na ako hihingi ng tawad sa iyo, Cheska, kapag nalaman mo na ang katotohanan, yun ay kung malalaman mo pa iyon. Pero sa ngayon ay kailangan kitang pakinabangan. Mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko!

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon