Chapter 21 "Bagong Kalaban ni Alejandro?"

33 1 0
                                    

Chapter 21 "Bagong Kalaban ni Alejandro?"



[Kinagabihan, magkasama at magkatabi sa kama sina Jade at Alejandro...]

Jade: (Nakayakap kay Alejandro) Love, kailan ba tayo huling nagkaroon ng quality time?

Alejandro: Parang buwan na ang nakalipas, Love.

Jade: Masyado tayong naging busy sa Business natin, pati na sa pag-aalaga kay Ms. Ruth.

Alejandro: Tinututukan kong maigi ang pag-aalaga sa kanya, kasi alam ko ang hirap nang mag-isa ka lang. Wala kang ibang aasahan kundi sarili mo lang.

Jade: Sa oras na gumaling na si Ms. Ruth, sana tutukan naman natin yung atin.

Alejandro: Oo naman.

[Hinalikan ni Alejandro si Jade. Halik na sa una ay marahan lamang, ngunit habang tumatagal ay nagiging mapusok at mapaghanap. Habang nagaganap ang maiinit at mapupusok na halik na iyon ay kapwa gumagapang ang mga kamay nina Alejandro at Jade, hanggang sa unti-unti na silang nahuhubaran. Natapos ang kanilang gabi na ang kanilang mga katawan ay nagiging iisa at naghihiwalay at paulit-ulit ang ganoong kaganapan. At Kinabukasan...]

Doctor: Maayos naman ang naging Operasyon kay Ms. Ruth, kapag ipinakita na ng tests na maayos na ang kanyang mga opera ay puwede na siyang magtherapy.

Lourdes: Diyos ko, maraming salamat po.

Erlinda: Maraming salamat rin sa inyo, Ma'am Lourdes. Kung hindi sa inyo, hindi gagaling ang anak kong si Ruth.

Baby Ruth: Maraming salamat po sa inyo at sa pamilya ninyo. Feeling ko nga po ay nakaabala na ako sa mga buhay ninyo, ako ang tinututukan ninyo at ang paggaling ko.

Alejandro: Huwag mong sabihin iyan. Kaligayahan ni Mama ang tulungan ka kaya't kaligayahan ko na rin iyon.

[Habang nag-uusap-usap sila ay nawawalan na ng panimbang si Jade na napasandig kay Alejandro...]

Baby Ruth: Ma'am Jade?

Lourdes: Angelico, ano'ng nangyayari sa asawa mo?

Jade: Ma...

[Hanggang sa tuluyan na ngang nawalan ng malay-tao si Jade...]

Alejandro: Jade! Jade!

Lourdes: Diyos ko, buti na lang nasa ospital rin tayo, isugod mo na sa ER si Jade!

[Binuhat ni Alejandro si Jade at dinala sa Emergency Room ng Ospital. Samantala, si Lola Young-Ae na naroon rin sa Ospital na iyon...]

Dr. Ramos: Long time no see, Aling Oyang. Nakakatuwa naman na sa tagal tagal e nagkita rin tayo!

Lola Young-Ae: It's Young-Ae, Doc.

Dr. Ramos: Hindi ka pa rin nagbabago, napakahilig mo pa rin sa mga Drama.

Lola Young-Ae: Wala naman na akong ibang paglilibangan, Doc. Lalo na nung nasunog ang ospital kung saan tayo dating magkasama. Natuon ang atensyon ko doon sa batang iniligtas ko. Ayun napalaki ko na, kami na ang magkasama sa buhay.

Dr. Ramos: Kung di dahil sa sunog an iyon, di ka naman magkakaroon ng katuwang sa buhay.

Lola Young-Ae: Nagpacheck-up lang ako at kumuha ng reseta, Doc. Maraming salmaat ho.

Dr. Ramos: Sana nga ay naging Diabetes Major na lang ako at hindi Neurologist, para lagi tayo magkakasama maski buwanan na check-up.

Lola Young-Ae: Mauuna na ho ako, Doc. Wala hong tao sa bahay namin.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon