Chapter 1 "Sino si Alejandro?"
(Taong 1997, sa isang Ospital sa Maynila, isang Hostage Taking ang nagaganap...)
Hostage Taker: Walang papasok sa inyo! Lahat ng Pasyente dito, mapapahamak, kapag hindi kayo sumunod sa akin!
(Nag-iiyakan ang mga tao sa labas ng Ospital...)
Hostage Taker: (Inilabas ang isang Remote) Nakikita nyo ba itongt hawak ko? Sama-samang mamamatay ang pamilya ninyo kapag hindi nagpakita sa akin ang may-ari ng Ospital na ito na hindi pinayagang maoperahan ang anak ko dito! Ang Ospital na dahilan ng pagkamatay ng anak ko!
Lourdes: (Umiiyak) Diyos ko, si Angelico nasa loob! Ang Anak ko! Wag mong sasaktan ang anak ko!
Gaudencio: Huwag ka nang magsalita, Lourdes, baka mas mapahamak ang anak natin sa loob!
Hostage Taker: Ang pinto sa likuran ko ang nag-iisang bukas na pinto sa loob ng buong ospital na ito, at isang maling galaw lamang ninyo ay aakyat ang impyerno sa loob ng Ospital na ito at sama-sama tayong masusunog!
Lourdes: (Sumigaw) Kuya, ano ba ang kailangan mo?! Ang anak ko, nasa loob! Si Angelico ko!
Gaudencio: Lourdes ano'ng ginagawa mo?! (Hinila si Lourdes sa tabi niya)
Hostage Taker: Isa lang ang gusto ko, lumabas ang may-ari ng ospital na ito, at mapagbayad ko siya sa buhay na inutang niya! Mamili kayo, Buhay ng May-ari ng Ospital na ito o Buhay ng mga nasa Loob?!
(Itinaas ang Remote Control at umakmang pipindot, kaya naman lalong nagpanic ang mga tao. Samantalang sa loob naman ng isang Tricycle...
Alejandro Sr.: Konti na lang malapit na tayo sa Ospital...
Baby Ruth: Inay malapit na tayo..
Corazon: Ang sakit na ng tiyan ko, palabas na itong bataaaaaa!!!!
(Hindi nga nagtagal ay nakarating na sila sa Ospital, ngunit...)
Tricycle Driver: Pare, tabi! Emergency, manganganak!
Traffic Enforcer: Hindi pwede, sa ibang ospital na kayo! May Hostage Taking dito!
Tricycle Driver: Saan ba ang pinakamalapit na ospital bukod dito?
Doktor: Huwag na ho kayong umalis, dito na po natin paanakin si Mommy.
Alejandro Sr. : Sigurado ho kayo, Doc?
Doktor: Emergency na ho itop, kailangan nang makapanganak ni Misis.
(Sinimulan nang kunin ng Doktor ang kanyang materyales, at sinimulang pairihin si Corazon, at sa loob naman ng Ospital.
Lola Young-Ae: Diyos ko naman, kami pa gagawing collateral damage ng Hostage Taker na iyon. Kung alam lang ng mga ibang relax na relax na nasa loob na bihag na kami dito.
(Sa paglalakad-lakad at pagmamasid ni Lola Young-Ae ay isang iyak ng sanggol ang pumukaw sa kanyang pansin...)
Lola Young-Ae: Bakit naman nandito yung bata pakalat-kalat sa Corridor?
(Kinuha ni Lola Young-Ae ang sanggol at binuhat...)
Lola Young-Ae : Baby Boy pala ito, Angelico ang pangalan, bata pa lang tisoy na... Halika baby, isosoli kita sa Nursery.
(Kalong-kalong na binitbit ni Lola Young-Ae si Baby Angelico papunta sa Nursery room, ngunit napadaan siya sa Pintuan kung saan naroon ang Hostage Taker, kaya sa taranta, imbes na sa Nursery Room ihatid ang sanggol ay dahan dahan siyang naglakad. At nang umabot siya sa isa pang nakasarang pinto ay pinilit niya ito. Nang mabuksan niya ang pinto ay saktong napalingon ang Hostage taker at...)
BINABASA MO ANG
Alejandro
RomanceHanda ka bang mahalin siya? Siya na nasa kanya na ang lahat pero gagawin ang lahat upang makuha lahat-lahat? Mula sa Tradisyon ng mga Kwentong inyong sinubaybayan Amor Prestado/Hiram na Pag-ibig Daniella Anna Doble Kara Chocolates and Temptations Ik...