Special Note from the Writer

83 1 0
                                    


It was 2010, when Lady Gaga released this song, entitled "Alejandro". Marami siyang kantang magaganda at napakacreative, pero Alejandro ang talagang naging paborito ko, then next is Judas and Bad Romance

Year 2014, sa sobrang pagkagusto ko sa kantang Alejandro ay piniga ko ng piniga ang anumang puwede at posible para makaisip ng kuwentong maikabit sa kantang iyon, hanggang sa nakaisip ako ng kuwentong tungkol sa isang lalakeng nabuhay sa taong 1720, pero nakakulong sa isang larawan ang kaluluwa niya matapos siyang patayin, at hinahanap niya ang babaeng itinatangi niya, na nagkaroon ng kamukha at nabuhay sa kasalukuyang panahon.HIndi ko nasustain ang kuwento, hanggang sa napabayaan ko. Binitawan ko. Hindi ko ata talaga forte ang manakot.

 Year 2019. Ayaw ako tantanan ng kanta ni Lady Gaga na Alejandro. Gusto na naman ng isip ko na magsulat na naman ng kuwento tungkol sa lalakeng Alejandro ang pangalan, pero kung-anu-anong subplot ang naisip ko, nung pinagkabit-kabit ko, hindi bagay. Tapos nilamon ako ng kalungkutan at kabiguan. Isinantabi ko. Inilagay sa baul. Inalikabok lang.

Year 2021. Matapos kong tuluyang matapos na isulat ang nashelve ko ring storya na Santa Diabla, na naging Ika-8 Utos, ay nag-iisip na naman ako ng puwedeng isulat, saka ko naalala ang lalakeng naiwan ko sa baul at dalawang taong naburo.Binalikan ko ang mga naiwan ko sa 2019, may dalawang naretain. Dapat si Alejandro ay maging Bidang Kontrabida, at isa sa aapihin niya ay isang Transwoman. Ang mga subplots ko, may mga inalis ako, may minodify, may nadagdag, at ito na nga ang kuwento ng lalakeng nasa kanya na ang lahat, ngunit handang gawin ang lahat, makuha lamang ang lahat.

Habang tinatahi ko ang kuwento ni Alejandro, buo na ang loob kong ihawig ang takbo ng kuwento nito sa mga Mexican Telenovela, at iinfuse din dito ang writing styles ng mga iniidolo kong kilalang Makjang Koreanovela writers kagaya nina Kim Soon Ok ng Penthouse at Temptation of Wife, at ni Im Sung Han ng Irene/Miss Mermaid at Love in Heaven.Matapos kong mapagtahi-tahing maigi ang mga subplots sa main plot, doon ko narealize na talagang Telenovela Format ang forte kong genre, at pandirihan man ng iba ang aking akda, proud akong ibahagi ito dahil pinag-isipan, pinaghirapan, pinagbuhusan ko ng panahon ang pagsulat nito.

At sila ang mga makukulay na karakter ng kuwentong ito:

Isang Inang ang nais lamang ay makapiling ang nawalay niyang anak.

Isa pang Inang itatatwa at itatakwil nang dahil sa kanilang estado sa buhay.

Isang Ate na magsisikap ibigay ang lahat sa kapatid, ngunit hindi pahahalagahan ang kanyang mga sakripisyo.

Isang Babaeng magiging biktima ng paghihiganti.

Isang Transwoman na akala niya ay pera lamang ang ninakaw sa kanya, ngunit higit pa pala doon ang kinuha sa kanya ng lalakeng akala niyang minahal siya.

Isang Mapagmahal na Lolang Young at-Heart at Kpoper, ngunit parang Koreanovela-Levels rin ang mga pinakatatago niyang Lihim.

Isang Amang katuwang ng isang Ina sa paghahanap sa nawawalang bahagi ng kanilang buhay.

 Isa pang Amang akala mong Pinakadakila sa lahat, ngunit may itinatago palang malaking kasalanan.

Isa pang Amang dahilan ng pagkapariwara ng kanyang anak.

AT ISANG LALAKENG MAGPAPAIKOT SA KANILANG LAHAT SA KANYANG PALAD. 

 At heto na nga ang kuwento niya ngayon, sa inyong harapan. Ang Kuwento ni ALEJANDRO.

 Sinundan natin kung bakit naging ganoon ang simulain niya sa buhay, kanyang motibasyon, kung paano tumakbo ang kanyang isip, kung paano siya kumilos.Pinanggigilan natin ang kanyang mga ginawa. Umiyak tayo kasabay ng mga taong inapi niya. Trust me, there are times na habang nagsusulat ako, ay galit na galit ako, o umiiyak ako.

AlejandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon