•35

72 2 0
                                    

Chapter 35. Hometown

(Typos and Wrong Grammar)

"Faith!" Tawag ko sa aking kapatid nang nakita ko siyang lumabas mula sa gate ng aming bahay.

Agad naman siyang lumingon sa direksyon namin at takang tiningnan ang sasakyan ni Clyde. Clyde pulled over the car to the side at pagkatapos ay agad naman akong bumaba at niyakap ang aking kapatid.

"Ate!! Na miss kita!" Panimula niya at agad akong niyakap, kaya niyakap ko din siya pabalik.

Clyde unexpectedly told me after the pet center's anniversary event that he wanted to visit my hometown—the place where I grew up and spent half of my life. Hindi kaagad ako naniwala at binigyan lang siya ng isang ngiti, hindi din sana ako papayag dahil alam kong may mga gagawin pa siya at may trabaho din ako. But, he reasoned out. Kaya sa huli ay pumayag na din ako. Kaya eto kami ngayon at na sa labas ng bahay namin. I didn't tell my parents and my sister, kaya alam kong magugulat talaga sila.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Na miss din kita Faith. Bat' lumabas ka? Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo. "Si Mama pinapabili ako ng asin sa tindahan..."
Napadako ang tingin niya kay Clyde at nahihiyang ngumiti. Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "...Siya ba si Kuya Clyde Ate? Yung boyfriend mo?"

I smiled at her remarks and slowly nodded. Agad naman siyang napatili at nang napagtanto ang kanyang reaksyon ay tinakpan niya agad ang kanyang bibig. Clyde chuckled at Faith's reaction. "Naku ate! Pasok na tayo sa loob. Sure akong magugulat sina Mama at Papa na dumating kayo. Eh kahit nga ako na surprise din."

Gaya nga ng sabi ni Faith ay pumasok na kami sa loob.

"Ma!" Pasigaw na tawag ni Faith kay Mama.

"Ano!? Ang bilis mo yatang nakabalik. Asan na yung asin na pinapabili ko?" Sabi ni Mama habang papunta sa direksyon namin.

"Faye---Anak!? Napadalaw kayo!" Gulat na sabi ni Mama at agad akong niyakap. "Ginulat niyo naman ako. Hindi ako nag expect na uuwi ka ngayon at kasama mo pa si Clyde."

"Wala po talaga sa plano ko na umuwi ngayon Ma." Tinignan ko si Clyde. "Eh siya ang may pakana nito, gusto niyang makapunta dito."

"Good morning po Tita." Clyde greeted my Mom politely and smiled.

Ngumiti din si Mama pabalik at tumango bilang sagot. "Hindi ka ba nahirapan sa pag drive Iho? Medyo malayo-layo din ang tinahak ninyo."

"Hindi naman po tsaka sanay na po ako sa malalayong mga biyahe." Magalang na sagot ni Clyde.

After our conversation Mama excused herself because she was cooking something in the kitchen, si Faith naman ay bumili na ng asin sa may tindahan. Sabi ni Mama ay umalis daw si Papa at pinuntahan ang hardware namin dahil may mga dadating daw na mga stocks, pero uuwi din daw naman iyon.

Tanging kami lang dalawa ni Clyde ang naiwan. I decided to give him a little tour to our humble abode. Tuwang-tuwa naman siya ng makita ang mga pictures namin ni Faith noong mga bata pa kami. Kasi naman naka-display iyon sa bahay namin. He even took a picture of mine when I was five years old! Napailing na lang ako sa inasta niya at hinayaan siya sa gusto niya.

"You're so cute when you were little love." He said still looking at my pictures.

"Ngayon ba hindi na?" I asked and pouted.

Ngumiti siya. "You are still cute. That's why I love staring at you." He said and kissed my forehead. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Bumalik si Faith dala ang asin na pinapabili ni Mama. Agad naman siyang umupo sa tapat namin ni Clyde. I can see how shy she is. I know she wanted to start a conversation. Pero hindi niya lang magawa dahil nahihiya siya. Kinuha niya na lang ang phone niya at abalang ginamit ito. I smiled at her actions, kahit kailan talaga ang cute ng kapatid ko.

My Mr. RoomMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon